Pagkakataon ni Roxas

SI dating senador Mar Roxas ang bagong secretary ng Department of Transportation and Communication (DOTC).

Siya ngayon ang mangangalaga sa lupa, himpapawid at dagat. Under sa kanya ang lahat ng airports, kasama ang Ninoy Aquino International Airport at Cebu Mactan International Airport na siya ang chairperson. Siya rin ang Chair ng Civil Aviation Authority of the Philippines.

Sa ilalim din niya ang Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB). Ang LTO ang nag-iisyu ng lisensya ng mga drayber at nagrerehistro ng mga sasakyang panlupa --- truck, bus, jeepney, taxi, pribadong sasakyan at mga motorsiklo. 

Ang LTFRB naman nagbibigay ng franchise ng lahat ng pampasaherong bus, jeep at taxi. Ito rin ang nagre-renew. 

Under ng DOTC ang mga pampasaherong barko puwera lang ang sa Navy, pero nagre-report din sa kanya ang Philippine Coast Guard. Pati pagbibigay ng permit sa mga seamen ay sa kanya. Nasa ilalim din niya ang mga port.

Ang Philippine National Railways, Light Rail Transit at Metro Rail Transit ay nasa kanya ring pangangalaga.

Napakalaki ng nasasakupan niya sa posisyong ito. Napakaraming ahensiya, ilan dito kilala sa mga kotong at fixer. 

Malaking pagsubok ito kay Roxas. Magandang pagkakataon kung maaayos niya ang mga ito. Dito nakasalalay ang ambisyon niyang maging presidente ng Pilipinas. Kung magtatagumpay, lamang na lamang na siya at utang niya ito kay President Noynoy Aquino, pero kung hindi kakayanin ng powers niya ang anomalya rito, bye-bye na. Hanggang Senado na lamang siya.

* * *

Para sa anumang reaksyon, suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa nixonkua@ymail.com

Show comments