DOTC secretaries Ping de Jesus at Oscar Orbos

ISA sa pinakamalaking departamento ng gobyerno ang Department of Transportation and Communication (DOTC) na may saklaw sa lahat ng airports kasama ng mga eroplano, seaports kasama ng mga barko, kotse, truck, taxi, bus, jeep at pati mga tricyle. Sa madaling salita, lahat ng sinasakyan natin. 

Sa laki ng saklaw nito inalis pa rito ang ibang ahensiya gaya ng Post Office at iba pang Communication aspect nito at nilagay sa CICT na kuwento naman natin sa mga susunod na column. 

Sa pagbibitiw ni Secretary Ping de Jesus na alam kong nilinis ng husto ang departamentong ginawang savings bank ng nakaraang administrasyon, naalala ko si Manong Oscar Orbos, isa sa naging Secretary sa DOTC noong panahon ng yumaong si President Corazon “Tita Cory” Aquino.

Siya ang pasimula nitong Odd Even scheme ng traffic, yellow lane, paglilinis ng vendor sa Baclaran, pagbubukas ng opisina ng DOTC ng 24 oras at iba pang pagbabago at naging dahilan bakit siya prinomote ni Tita Cory at ginawang Executive Secretary. 

Nakatuntong sa lupa si Manong Oca at dahil diyan ay mga simpleng solusyon ang ginawa niya upang maayos ang kanyang kagawaran (tama ba ako, kagawaran ba ang tawag sa department – turuan n’yo nga ako mga kaibigan) at mabigyan ng epektibong serbisyo ang sambayanan.

Matinding panahon kasi ang oras na iyon kung saan gaya ngayon ay napakalaking suliranin ang iniwan ng nakaraang adminis-trasyon. Si Tita Cory ang pumalit sa napatal- sik na si Ferdinand E. Mar­cos noong Pebrero 1986, kauna-unahang People’s Power sa buong mundo. 

Halos pareho ang sitwasyon ngayon, mabilisang solusyon at sana ang susunod na DOTC Secretary ay pi­nagsamang Ping de Jesus at Oscar Orbos.

* * *

Para sa anumang reaksyon, suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa 09498341929 o e mail sa nixonkua@ymail.com

Show comments