“THE human rights of women are inalienable, integral and indivisible part of universal human rights. The equal participation of women in political, civil, economic, social and cultural life and the eradication of all forms of discrimination on the basis of sex are priority objectives of the international community.”
Ito ang binigyang-diin ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada sa kanyang sponsorship ng Senate Bill 429 (“An act expanding the prohibited acts of discrimination against women on account of sex) at sb 930 (an act to prohibit gender discrimination in employment advertising”).
Dagdag niya, “… the 1987 Philippine Constitution expressly recognizes the role of women in nation-building… commands the State to ensure, at all times, the fundamental equality before the law of women and men… and requires the State to afford full protection to labor and to promote full employment and equality of employment opportunities for all.”
Pero sa kabila aniya ng mga batas at pandaigdigang kasunduan hinggil sa mga karapatan ng kababaihan ay laganap pa rin ang diskriminasyon laban sa kanila sa paggawa. Umiiral pa rin nga aniya ang pagturing sa kababaihan bilang “last to be hired and the first to be fired” sa mga trabaho.
Kadalasan ding mas maliit ang pasahod at benepisyo sa mga kababaihan kaysa sa mga lalaking empleyado kahit pareho sila ng posisyon at responsibilidad. Pati sa mga job advertisement ay umiiral din ang diskriminasyon laban sa mga kababaihan. Ang naturang mga panukala ni Jinggoy ay inaasahang magsisilbing malakas na armas upang mawakasan na ang mga paglabag sa karapatan ng kababaihan sa paggawa.
Binabati ko ang mga avid reader ng kolum na ito na sina Benjie Dizon ng San Fernando, Pampanga; Ka Jerson Samson; Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez; Mayor Ronie Lumayna ng Mayoyao, Ifugao; Mayor Marcelo Dela Cruz ng Rizal, Kalinga; Director Ann Gregorio ng OWWA at Labor Attache Jun Sodusta ng Philippine Overseas Labor Office sa Qatar.