KASALUKUYANG nasa United States ang grupo ng BITAG para sa isang proyekto, subalit patuloy pa rin ang serbisyo publiko sa pamamagitan ng programang ISUMBONG MO KAY TULFO! Ni Mon Tulfo.
Isang OFW ang lumapit sa programang Isumbong Mo Kay Tulfo, inirereklamo nito ang kanyang asawa sa pananakit at emotional abuse.
Dagdag pa nito, ayaw ibalik sa kanya ang kanyang siyam na buwang gulang na anak. Tangay din ang ilang naipong pera nito at gamit.
Sa ating batas, nakapaloob sa Family Code na ang isang bata, edad anim pababa ay sa ina awtomatikong mapupunta ang kustodiya.
Subalit ayon sa nagrereklamong ina, isang buwan ng nananatili sa pangangalaga ng kanyang asawa ang kanyang siyam na buwang gulang na anak.
Dito agad na inaksyunan ng Isumbong Mo Kay Tulfo kasama ang grupo ng BITAG, ang kanyang hinaing.
Maaga pa lang tumulak na patungong Guagua, Pampanga ang grupo at nakipag-ugnayan sa Municipal Social Welfare and Development ng Guagua Police Station.
Matapos makumpleto ang mga kaukulang papeles sa isasagawang rescue, nagtungo na ang grupo ng Isumbong mo Kay Tulfo, BITAG at mga social worker sa Nepomuceno Brgy. Hall.
Sa Brgy. Hall kung saan isasagawa ang pagbawi sa bata, nagkaharap din ang nagrereklamong ina at ang kanyang asawa, kasama ang DSWD at ang Kapitan Barangay.
Sa kahilingan ng DSWD na gawing priba-do ang pag-uusap, hindi na pinayagang makapasok pa ang aming kamera.
Sa bandang huli, pumayag na rin ang ama ng bata na ibigay ang pa-ngangalaga ng kanilang anak sa kanyang ina.
Payo ng DSWD, ba-gama’t nasa ina ang kustodiya ng bata, hindi pa rin maaaring ipagkait ang tinatawag na paternal rights ng ama sa kanyang anak.
Nasa pag-uusap at kasunduan ng parehong magulang kung paano ang magiging hatian ng kanilang responsibili- dad sa kanilang anak.
Matapos ang matagumpay na operasyon, muling bumalik sa tanggapan ng Isumbong Mo Kay Tulfo ang ina kasama ang kaniyang anak.
Para sa Isumbong Mo at sa BITAG, hindi namin pinakikialaman ang personal na buhay o alitan sa loob ng pamilya ng mga nagrereklamo.
Manghihimasok kami kung nagkakaron na ng pang-aabuso at ipinagkakait ang karapatan ng isang tao, ito ang sentro ng aming adbokasiya.