Dr. Elicaño, itatanong ko lang po kung ano ang mabuti sa aking nararanasang pagka-allergic sa pollen. Lagi pong nagbabara ang aking ilong, nagluluha ang mga mata at madalas na makati ito. Nahihirapan din po akong hu-minga. May mairerekomenda ka po bang gamot?
Salamat po. — Lorena ng Taguig
Nagdaranas ka ng tinatawag na hay fever. Ang hay fever ay allergic reaction sa pollen (powderlike material ng halaman). Nagkakaroon ng allergic reaction dahil sa pag-release ng histamine, isang natural chemical substance sa katawan. Kakalat ito sa tissues ng katawan at kikitid ang mga ugat na daanan ng dugo (arteries at capillaries). Dahilan din para magkaroon ng contraction ang mga malalambot na muscles kabilang na ang bronchi ng lungs.
Ang mga sintomas na nararanasan mo — pagbabara ng ilong, pagkakaroon ng sipon, pagbahin, nagluluhang mga mata na madalas ay mapula at makati ay sintomas na mayroon kang hay fever. Hindi mo dapat ipagwalambahala ang hay fever. Dapat kang kumunsulta agad sa doktor.
Ginagamot ang hay fever sa pamamagitan ng antihistamine drugs at kung ang allergens (substance na dahilan ng sintomas) ay na-identified, magkakaroon ng desensitization na kinapapalooban ng injecting at expo-sing ng pasyente para makontrol ang sakit.