Mga pagbati sa kaarawan ni Erap

TULOY-TULOY ang mga pagbati kay Presidente Erap kaugnay ng pagdiriwang ng kanyang ika-74 na kaa-rawan ngayon (Abril 19). Ang tinaguriang “Ama ng Masa” ay sadyang mahal na mahal ng nakararaming Pilipino laluna ng mga maralita. Marami ang sumuporta sa kanya mula pa noong nasa industriya siya ng pelikula kung saan ay limang beses siyang ginawaran ng Best Actor Award, at naluklok din siya sa FAMAS Hall of Fame noong 1981 at 1984.

Todong suporta rin ang ibinigay sa kanya ng mamamayan sa pagpasok sa serbisyo publiko sa pamamagitan ng pulitika kung saan inihalal siyang mayor ng San Juan noong 1967 at senador naman noong 1987. Inihalal siyang vice president noong 1992 kung saan nagsilbi siyang Presidential Adviser on Crime Prevention and Law Enforcement at Chairman ng Presidential Anti-Crime Commission.

Noong May 11, 1998, nahalal siyang presidente ng bansa kung saan nakuha niya ang biggest-ever margin of victory sa kasaysayan ng presidential elections ng Pilipinas. Naging tatak ng kanyang administrasyon ang pro-poor programs, peace and order campaign at full-scale national development.

Hanggang ngayon, patuloy na minamahal ng mga Pilipino si Erap at kanya naman itong sinusuklian sa pamamagitan ng patuloy niya ring pagmamahal at pagsisilbi sa ating mga kababayan. Kami ng aming panganay na anak na si Sen. Jinggoy Ejercito Estrada ay kaisa ng sambayanang Pilipino na bumabati sa kaarawan ni President Erap.

Show comments