UMAATUNGAL ngayon at tila umaarteng aping-api ang suspek na si Gaspar Maneja Jr.
Siya ‘yung inireklamo ng kaniyang dating kalive-in dahil umano sa pagsaboy ng asido sa biktima.
Nitong Miyerkules, people’s day ng BITAG nang dumating sa aming tanggapan ang messenger ng Commission on Human Rights. Dala nito ang subpoena sa reklamo ni Maneja laban sa akin, si BITAG mismo.
Ang kaso, “attack upon one’s honor and reputation” na may petsang March 16, 2011. Mula sa petsa kung ka ilan natanggap ng BITAG ang nasabing subpoena, sa loob ng sampung araw ay kinakailangan humarap ng BITAG sa CHR.
Ang pagsasampa ng reklamong ito ni Gaspar Ma- neja Jr. ay matapos mapanood ang segment ng BITAG kung saan napanood ang dati niyang kalive-in na lapnos ang buong mukha at katawan dahil sa saboy ng asido at siya ang itinuturong suspek nito.
Sa salaysay ni Maneja na kalakip ng subpoena, matapos maipalabas umano ang nasabing segment, nasira daw ang kaniyang pagkatao, hindi makatulog sa pag-iisip at bakit isang panig lamang daw ang pinagbatayan.
Baka nakakalimutan ng suspek na si Maneja, lumapit siya sa isang programa na kahalintulad namin sa higanteng pamilya network upang kami’y ireklamo at linisin daw ang kanyang pangalan.
Ang ginawa naman ng nasabing programa, hindi tinanggap ang kanyang reklamo at pinayuhang sa aming tanggapan makipag-usap at magpaliwanag. Tama naman ang ginawa ng kapatid namin sa programa dahil sa BITAG unang lumabas ang kaso.
Tumawag naman itong si Maneja at ang kanyang kamag-anak upang sabi-hing gusto niyang mapa-kinggan ang kaniyang panig. Pinaunlakan ito ng BITAG at nag-set pa ng oras at araw kung kailan siya darating dahil karapatan niya ito.
Ang siste, hindi naman kami sinipot at ngayon ang suspek pa ang may ganang ireklamo kami dahil sa pagpapalabas namin ng segment.
Gaspar Maneja Jr., kung mahalaga talaga sa iyo ang sinasabi mong puri at reputasyon mo bakit mo kami inindiyan? Bakit hindi ka dumating sa aming tanggapan tulad ng iyong kagustuhan na mapakinggan ang iyong panig?
Para sa kaalaman ng lahat, kapag ipalabas ang isang kaso o reklamo sa BITAG at may nagrereklamo o biktimang nagsusumbong ng kanilang dinanas, hindi namin kinakalimutan ang karapatan ng mga inaakusahan.
Kaya nga sa sinumang inirereklamo o subject ng aming palabas, tinatawag na suspek. Ibig sabihin, ma nanatiling inosente hang-ga’t hindi napapatunayan ang kaniyang pagkakasala sa hukuman.