SUNUD-SUNOD ang mga kalamidad sa mundo. Lindol, tsunami, delubyo, malalakas na bagyo at kung anu-ano pang sakuna. Ang isyung pinag-uusapan: Gaano kahanda ang pamahalaan natin para tumugon sa mga sakuna.
Dapat talagang maging handa ang bawat pamahalaan na protektahan lalu na ang buhay ng tao, pangalawa ang mga imprastruktura at ari-arian. Kaugnay nito, alam n’yo ba na ang kauna-unahang interactive disaster preparedness/risk reduction software program ay nakalatag na sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas? Pilot area ito.
Bahagi ito ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010, o R.A. 10121. Ayon kay Thess Conroy ng Software Solutions Corporation (CSSC), ang Protective Services, Safety, Health, Environment and Disaster (PSSHED) Management System ay malaking tulong sa Philippine disaster risk reduction and management system. Magkakaroon kasi ng sistematiko at epektibong pagtugon ang gobyerno sa mga dumarating na sakuna.
Inisyatibo ito nina Sto. Tomas Mayor Mayor Renato M. Federico, Vice-Mayor Armenius O. Silva kasama ang Sangguniang Bayan. Ang mga local government units ay binibigyan ng kapangyarihan sa bisa ng batas na ipatupad ang programa. Local officials din ang may tungkuling siguruhin ang kaligtasan at kaayusan sa kanilang lugar. Magkakaroon ng sistematikong pagpaplano at palitang impormasyon at networking. Sa ganito, mapagbubuti ang rescue at relief operations. Mababawasan din ang pagkawala ng buhay at pinsala sa ari-arian. Bonus sigurong matatawag ang maitutulong ng sistema sa pagsugpo ng kriminalidad.
Ang Local Disaster Risk Reduction ang manganga-siwa sa command center nito. Ito ay tatakbo ng 24 oras araw-araw. Babantayan ang buong bayan sa tulong ng CCTV cameras na naka-kabit sa mga stratehikong lugar tulad ng busy intersections at mga panguna-hing kalye upang maiwasan ang street crimes at mabantayan ang pagbaha.
Kung interesado ang ibang mga munisipalidad sa maganda at hi-tech na programang ito, tumawag sa telepono. 8140516, 8922134 o bisitahin ang website: www.csssoftwaresolutions.com.ph.