SIMPLE lang ang hiling ng nagrereklamong magulang na ina ng estudyanteng biktima ng pambu-bully at BITAG.
Ipatawag ng Department of Education ang pamunuan partikular ang principal ng St. James College upang sagutin ang reklamo ng magulang sa hindi pagkilos ng eskuwelahan sa pambubugbog ng kanilang mga estudyante.
Subalit imbes kumilos, nagdamot si DepEd Assistant Secretary for Legal Affairs Tonisito Umali. Tatawagan daw niya ang St. James College subalit hindi raw sa harap ng aming camera.
Ang kanyang dahilan, ang akusado raw ay nananati-ling inosente hangga’t hindi napapatunayan ang kanyang pagkakasala sa hukuman at right to privacy.
Asec naman na Attorney pa, unang-una, wala naman tayo sa korte para hiritan mo kami ng ganyan.
Pangalawa, hindi naman maririnig sa aming camera kung ano ang pinag-uusapan ninyo ng nasa kabilang linya. Hindi naman layunin ng BITAG na i-bug ang telepono sa inyong pag-uusap.
Hindi ba’t mas mainam na makita ng taumbayan na ginawa mo ang iyong trabaho na ipatawag ang inirereklamong eskuwelahan. Dahil kami sa BITAG, ke matagumpay ke palpak, ke panget o maganda, idinodokumento ng aming camera.
Ang siste, tila abogadong tagapagtanggol ka ng inire-reklamong paaralan dahil mas pinuprotekhan mo pa ang kapakanan nito kesa sa reklamo ng magulang.
Dismayado rin ang magulang at BITAG sa sinasabi mong fact finding committee na ang ibig sabihin, ipapasa mo ang reklamong ito sa regional office at district office ng DepEd para magsagawa ng imbes-tigasyon.
Hindi ba’t mas mata-as ka sa nabanggit na mga tanggapan? Sigu- rado ang BITAG na kapag ganito ang prosesong gagawin mo, tapos na ang mahal na araw at flores de mayo, wala pa ring nangyayari sa kasong ito.
Sa kawalang pangil ng DepEd, dadami pa ang biktima ng pambu-bully.
Dahil sa kahinaan ng sistema, siguradong sasamantalahin ng ibang eskuwelahan na balewalain ang mga problema na kakaharapin ng kanilang institusyon, hindi lamang ng mga kasong pambu-bully.