ANG Claro M.Recto ay kilalang lugar na gawaan ng mga pekeng diploma gayundin ng mga thesis at term paper ng mga estudyanteng tamad o bobo. College student pa ako ay bantog na ang Recto sa ganyang gawain. May mga propesyunal na ngayon na naging parokyano rin ng Recto diploma at term paper mill at one time in their student life.
Sa ngayon, may mga taong imbes na diploma o term papers ang ibinebenta ay mga privilege speech. Ibinebenta sa mga lawmakers na ibig umani ng “pogi points.”
May nakapagsabing impormante sa akin sa Senado at Kongreso na may isang taong ipiniprisinta ang sarili bilang eksperto sa pagsulat ng privileged speech. Ang modus operandi umano ay paglapit sa sino mang Solon upang mag-alok ng privileged speech na bumabanat sa alin man sangay ng pamahalaan. Siyempre ang speech ay magiging “in aid of legislation.”
Pero bago ibenta, ititimbre muna niya sa mga masasagasaan para tumiklop at bumigay sa kahilingan niya. Simple yatang pamba-blackmail ito. Yung medyo mahina ang loob ay na-uutu niya. Pero yung mga malinis ang konsensya ay hindi na lang siya pinapansin at ibibisto pa ang kanyang gawain.
Kaya pala, itong nagpapakilalang speech-maker ay pakawala ng may interes sa paksa ng privilege speech. Kaya lagareng hapon siya. Doble-kabig wika nga dun sa mga pasimuno at sa mga mambabatas.
Isa sa mga paksa ni speechwriter at ang balita na may grupo na pumupuntirya sa mga juicy position sa Bureau of Customs. Ito’y pinamumunuan umano ng isang ba-bae na matagal nang opisyal sa BoC. Ang problema ng speechwriter ay walang bumibili sa kanyang privileged speech dahil walang maiprisintang basehan sa kanyang alegasyon at batikos. Walang mambabatas sa Senado at Mababang Kapulungan ang bilib sa eksposey niya. Ilang sa mga binabatikos nga speechwriter at ang intelligence X-Ray inspection. Sabagay, di na kailangang balaan ang mga lawma-kers natin dahil matatalino naman lahat. Ingat na ingat na sila kay SMB (Style Mo Bulok).