Walang gana sa pagkain

“Dr. Elicaño, ako po ay laging walang ganang kumain. Nagtataka ako sa sarili ko, kung bakit walang ganang kumain gayung wala naman akong nararamdamang kakaiba sa aking katawan. Basta wala lang talaga akong gana at nagtatagal ito ng isang linggo. Pinipilit ko lang na kumain para hindi magutom pero sa totoo lang ay wala akong gana. Ipaliwanag mo po Doktor kung ano ang dahilan at nawawalan ng gana sa pagkain.

Marivic San Juan ng Marikina City

Maraming dahilan kung bakit may nawawalan ng ap­ pe­tite o gana sa pagkain. Maaaring dahil sa travel sickness, common cold, depression o eating the wrong kind of food.

Ang appetite ay pinakikilos ng tinatawag na appestat. Ito ay ang sensory area ng utak na nagdadala ng hormones at nagsasabi na dapat na tayong kumain. Kapag ang appestat ay nag-malfunction dahil sa unba-lanced diet, poor health o hormone imbalance, ang ma-ling mensahe ang nata-transmit sa katawan, at maaaring makadama ng gutom ang sinuman o di naman kaya ay walang gana o panlasa sa pagkain. Kapag ang kawalan ng panlasa o gana ay dahil lamang sa hangover o indigestion, ang panlasa ay magbabalik kapag okey na ang kondisyon ng katawan.

Kapag ang kawalan ng panlasa o gana sa pagkain ay dahil sa walang patumanggang pagkain ng mga snack, maaaring ma-regain ang panlasa sa pagkain ng prutas particular ang saging.

Ang kawalan ng panlasa ay maaaring dulot din ng kakulangan sa Zinc at Potassium. Ang mga pagkaing mayaman sa Zinc ay crabs, oysters, lobsters, lean meat at poultry products.

Itinuturong dahilan din ng kawalan ng panlasa ay ang sobra o madalas na intake ng vitamin D. Ang pag-inom ng sobra-sobrang alak ay    nagiging dahilan din ng pagkawala ng Zinc. Nawawa- la rin ang Zinc reserves sa katawan dahil sa labis na pag-eehersisyo.

Payo ko sa iyo, Marivic na magpakunsulta dahil sa nararanasan mong kawalan ng panlasa.

Show comments