TAYO ay nasa panahon ng paghahanda sa darating na Kaarawan ng Pagsilang ng ating Panginoong Hesus mahigit nang dalawang libong taon na ang nakalilipas. Abalang-abala na tayo sa mga paghahanda ng ating mga regalo at pagsasaluhan. Ang pinaka-mahalagang paghahanda ay ang siyam na gabi ng ating sama-samang pasasalamat sa Panginoon sa mga biyaya ng buhay. Magsaya tayo at magpasalamat.
Marami ang ating tawag sa paghahanda. Nagsimula ito noong panahon ng mga Kastila na nagdala sa atin ng Kristiyanismo. At ang siyam na araw na paghahanda ay tinagurian nilang Misa de Gallo o tandang na tumitilaok tuwing alas kuwatro ng madaling-araw, isang tilaok na paanyaya sa atin sa simbahan at magpasalamat sa Panginoon na tinatawag din nating Misa de Aguinaldo o Thanksgiving Mass. Sapagka’t madilim ang pagdiriwang ng Misa at tinatawag ding Simbang Gabi.
Ang kaganapan ng Lumang Tipan na sinabi ni Isaias na “maglilihi ang isang dalaga at manganganak ng lalaki at ito’y tatawaging Emmanuel” ay namalas natin sa kapanganakan ni Hesus na maging si David ay inawit sa Salmo: “Ang Panginoo’y darating Siya’y dakilang hari natin”.Kaya’t ang Mabuting Balita ang ipinangako ng Diyos sa pamamagitan ng mga Propeta na nasa Banal na Kasulatan na ipanganganak ang Anak ng Diyos mula sa lipi ni David.
Hindi mapagwari ni Jose na ang kanyang kasinta-han na kanyang pakakasalan ay nagdadalang-tao na. Mahal na mahal niya si Maria at ayaw niya itong mapahiya at maparusahan kaya’t nagplano siyang hiwalayan ito ng lihim. Iniisip pa niya ito ay napakita sa kanyan si Gabriel sa panaginip: “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria, sapagkat siya’y naglilihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Manganganak siya ng isang lalaki at ito’y pangangalanan mong Hesus sapagka’t siya ang magliligtas sa kanyang
bayan sa kanilang mga kasalanan”.
Sinunod niya ang anghel at tuluyann niyang pinakasalan si Maria. Ito ang panahon ng ating pasasa-lamat sa Diyos Ama natin na sa laki ng kanyang pagmamahal sa Kanyang mga nilikha ay ang Kanya mismong anak ang pinagkatawang tao Niya upang tayo’y iligtas.
Kaya naman sa ating paghahanda sa kaarawan ng Anak ng Diyos buuin natin ang NOVENA o siyam na araw ng PASASALAMAT sa Diyos sa pagkalikha sa atin at pagpapatawad sa ating mga kasalanan.
Isaias 7:10-14; Salmo 23; Roma 1:1-7 at Mt. 1:18-24