'Mabuhay Philippines!'

Ang tourist slogan pinapapalitan

pagka’t ‘di maganda at ginaya lamang;

Sa unang naisip tayo’y naunahan

at ang nakatulad slogan ng Thailand!

Ang unang mungkahi’y “Amazing Philippines”

hindi na nga pwede’t may una sa atin;

At ang “Wow Philippines” dapat palitan din

sapagka’t pamana ng dustang rehimen!

Iniutos na rin ng ating pangulo

magbagong slogan ang ating turismo;

Kaya itong pitak nag-isip ng bagong

dapat ibandera nating Piliino!

Ang naisip ngayo’y “Mabuhay Philippines!”

magandang pakinggan sino mang dumating;

Sa dayuha’t Pinoy ito’y may taginting –

palasak na ngayong ito ay gamitin!

“Mabuhay Philippines” angkop na slogan

lalo’t may okasyo’t mga pagdiriwang

Halimbawa tayo’y wagi sa labanan –

mga athletes natin sigaw ay “Mabuhay!”

Salitang “Mabuhay” – Tagalog man ito –

sinasambit na rin ng turistang dayo;

Kapag dumarating mula sa ibayo

ang salubong natn ay “Mabuhay” ito!

Ang katagang ito’y alam ng dayuhan

ang ibig sabihi’y “Long Live” kaibigan;

Ito’y batid nilang pagbating marangal

sa mga bisita’t mga kababayan!

Sa arport at ibang pook-pandaigdig

“Mabuhay Philippines!” laging namamasid;

Alam ng bisitang dito’y sumasapit –

salitang “Mabuhay” sa RP lang gamit!

Kaya ito na nga ang ating gamitin

na tourist slogan sa daigdig natin;

Dapat sold na tayo – “Mabuhay Philippines!”

ito’y ating dangal at tunay na atin!

Show comments