IBINALITA kamakailan lang ni Armed Forces of the Philippines chief of staff Lt. Gen. Ricardo David Jr. ang plano ng militar na mag-establish nga ito ng bagong Mindanao Command on top of the existing Western Mindanao Command (Westmincom) at Eastern Mindanao Command (Eastmincom).
Ang bagong Mindanao Command daw ay isang solution sa naging perennial problem of jockeying for positions ng ating pagkarami-raming military officials na ‘di alam kung saan ipupuwesto. Hindi nawawala yang problema ng agawan ng posisyon sa militar. Kahit paano kung sino ang kapuso, kapamilya, kapatid, kaklase at kaberks ang silang nalalagay sa puwesto.
Ngunit ang binabalak na Mindanao Command ay lalabas na panibagong layer na naman sa masyado nang masalimuot na institution ng pamahalaan natin gaya ng AFP.
At gaya ng Mindanao Command, magkaroon din daw ng bagong Visayas at Luzon Command na mangangasiwa sa kasalukuyang mga commands na sa nasabing areas.
Ang ibig sabihin ba nito ay panibago na namang set ng officials ang itatalaga at mag-eestablish na naman ng bagong headquarters. In short, dagdag gastos na naman para lang mapagbigyan ang ating mga military officials.
Kung tutuusin ang dating Southern Command (Southcom) na nakabase sa Zamboanga City ay hinati sa dalawa noong 2006--- ang Westmincom nananatili sa Zamboanga ang headquarters at ang Eastmincom naman dito sa Camp Panacan sa Davao City.
Kaya nga raw hinati ang Southcom dahil masyado nang malaki ang coverage nito at hindi na nabigyang focus ang problema sa insurgency dito sa Southern at Central Mindanao gaya ng mga rebeldeng New People’s Army at maging ng Moro Islamic Liberation Front.
Tinuturing nga ng AFP ang Southern at Central Mindanao bilang National Priority Area (NPA) dahil nga nandito ang pinakamaraming threat groups kasali na ang banditry, terrorism at kidnap-for-ransom groups. Ang Westmincom naman andun ang mga Abu Sayyaf at ang mga renegade members ng Moro National Liberation Front (MNLF).
At ngayon na naisaayos na operation ng Eastmincom at Westmincom sailalim ng pangasiwa ng general headquarters, ay babaguhin na naman at magdadagdag ng isa pang layer na Mindanao Command?
Sa halip na pagtibayin ng mga namumuno ang AFP bilang institusyon, eh, sinisira nila ito.
Sana naman kung gagawa ng hakbang ang ating AFP ay para sa ikakabuting ating bansa at hindi dahil kailangang pagbigyan ang mga senior military officials na mailagay sila sa magagandang puwesto.