Mamuhay nang maayos

SA pang araw-araw nating pamumuhay ay dapat itong isaayos ayon sa Salita ng Diyos. Ito ang buod sa unang bahagi ng ating lingguhang pagdiriwang. Sinabi ng Pangi­noon kay Propeta Malakias na darating ang araw na lilipulin ng Diyos ang mga palalo at masasama, subalit ang sumunod sa Kanya ay ililigtas at pagagalingin. “Poong

Hukom ay darating taglay katarungan natin”.

 Kasabay din ng ating pang araw-araw na pamumuhay ay ang patuloy nating paggawa. Sinasabi sa atin ni Pablo na: “Huwag nating ikahiyang magtrabaho, magpagal araw at gabi upang hindi maging pasanin ninuman at huwag manghimasok sa buhay nang may buhay. Ang tao ay dapat maghanapbuhay at mamu-   hay nang maayos.”

 Karamihan sa ating mga Pilipino ay pawang umaasa sa tulong ng ating kapwa, o mga pangungurakot sa kabuhayan ng iba. Kaugnay nito ay ang mga merong nagtatrabaho sa ibang bansa na pawang naghihintay na lamang ng mga padala. Anong ginagawa nila? Paupo-upo na lamang. Ang iba naman ay malalakas pa ay hingi na lamang nang hingi. Tingnan ang lahat ng sakayan ng jeep at taxi. Nagkukunwaring sila ang nagpasakay at hihingi agad ng pera sa mga driver. Ang laki pa ng mga katawan.

Ayusin natin ang ating buhay. Sinasabi sa atin ni Hesus na hindi darating karaka-raka ang wakas, maraming pagsubok: Digmaan, malalakas na lindol, magkakagutom at salot, lilitaw ang mga kakila-kilabot na bagay at mga kagila-gilalas na tanda buhat sa langit. Manapay huwag tayong mabagabag at ipanatag ang ating kalooban. Huwag mabalisa sa pagtatanggol sa sarili sapagkat bibigyan tayo ng katalinuhan at pananalitang pawang katotohanan”.

Ito ang “signs of the end” paalaala ni Hesus sa darating na kaguluhan at pagkawasak ng Jerusalem noong 70 AD naganap ng halos 30 taon matapos Siyang umakyat sa langit. Ito din ang patuloy na paalaala sa atin ni Hesus sa Kanyang ikalawang pagbabalik.

Ang ikalawang pagda-ting ng Panginoon ay pangkalahatang paghahanda subalit hindi natin alam na meron Siyang sad­yang pagdating sa ating sariling buhay. Kamatayan! Upang maging maayos ang ating buhay sa pagdating ni Hesus ay muli nating isapuso ang tagubilin ni Pablo. Mamuhay nang maayos!

Malakias 9:19-20a; Salmo 97; 2Tes 3:7-12 at Lk 21:5-19

Show comments