Mislang ilipat sa Truth Commission

AKO’Y naaawa na kay Malacañang Assistant Sec­retary Maria Carmen Mislang. Everyone here in the Philippines, including some respected columnists and senators has been ganging up on her. Kung ako  ang tatay ng binibining ito, siguro pinagbabaril ko na ang mga  nilalang na nanlalait sa kanya.

 Don’t get me wrong. I am pro-life and anti RH bill kaya ayaw kong pumatay ng tao. Medyo galit lang ako lalo na sa mga kalalakihang  bumabatikos kay Mislang bagama’t di ko personal na kakilala ang opisyal na ito. Mga guys, napaka un-gentlemanly n’yo naman. Ano ba ang kasalanan ni Mislang? Nagsabi lang naman siya sa Twitter na pangit ang lasa ng wine na pinainom sa kanila ng Pangulo ng Vietnam.

 Malamang totoo ang sinabi ni Mislang dahil walang reaction ang Vietnam. Sa tingin ko ayaw nang palakihin ni Vietnamese President Nguyen  Minh Triet ang bagay na ito dahil nakakahiya sa kanila. Malamang pinagsasabon na lang ni Triet ang mga alipores niya for serving “wine that sucks” to the heads of state and government ng Asean countries na dumalo sa idinaos niyang state banquet.

 Bilang dating Ambassador, alam ko na maiinsulto at maaasar ang mga guests sa isang diplomatic function kapag ang wine na ini-serve ay kasing asim pa ng sukang Paombong o lasang pinaglanguyan ng ipis. It is possible the Vietnamese have learned a lesson from Mislang, and instead of getting mad about it, they are quietly smiling and thanking her about it.

To a certain extent, the truth that came out of the lips of Mislang must have set them free from future embarrassments. Kung ako kay P-Noy, ga­gawin ko pa itong si Mislang na Commissioner ng Truth Commission for her penchant at telling the truth.

 The Vietnamese, I believe are ma­ture people. Di man lang din sila nag-react sa sinabi ni Mislang na wala siyang nakitang “pogi” na kahit isa man lang na Vietnamese. Hindi lang sila mature, mukhang may self-confidence din sila na sila’y mga beautiful people na may mga dilang maihalintulad sa mga brand new cars na di basta-bastang kumakalampag, di  tulad ng mga dila ng ilang Pinoy at Pinay na nagkakalampagan ka­agad kapag may napansin na sa palagay nila ay di tama.

 Ano kaya ang batayan ni Mislang kung ang isang lalaki ay pogi o hindi? Kaya tayong mga Pinoy, are you reeeaady? All together now: Thank you at ok ka lang Ms. Mislang!

Show comments