Hindi maitatago ang iyong edad

SA MAGIC ng mathematics (lahat ng magic ay may paliwanag): Mabibisto ang edad mo. Walang dalawang minuto; kuwentahin habang binabasa ito:

Pumili ng isang numero mula 2 hanggang 9. I-multiply ito ng 2. Mag-add ng 5. Multiply uli ng 50 (sige mag-calculator). Kung nag-birthday ka na sa taon na ito, mag-add ng 1760; kung hindi pa nagbe-birthday, mag-add ng 1759. Last, i-minus ang four digits ng taon ng kapanganakan mo.

Three-digit number ang resulta. Ang unang digit ay ang pinili mong number, 2 - 9. Ang dalawang kasunod ay ... bistado ang edad mo!

* * *

Gusto mo pa? O sige, sabihin ang nawawalang num-­ber sa mga kanta na ito, at iba pang tanong. Nasa hulihan ang mga sagot.

(1) Ilang kahoy sa “May pumukol sa pipit sa sanga ng ____ kahoy”?

(2) Ilang araw sa kantang Beatles na “_____ Days a Week”?

(3) Ilang estilo ni Paul Simon sa “_____ Ways to Leave Your Lover”?

(4) Dami ng “_____ Trombones” sa play na The Music Man?

(5) Haba ng biyahe nina Peter, Paul and Mary sa “_____ Miles”?

(6) Simbulo ng demonyo?

(7) Ilang tinapay sa “baker’s dozen”?

(8) Numero, 1 - 9, na tinuturing na masuwerte ng mga Tsino?

(9) Atomic number ng Oxygen (sa Periodic Table)?

(10) Taon nang mapadpad si Magellan sa kapuluan?

(11) Susunod sa sequence: 16 - 19 - 23 - 28 - _____?

(12) Susunod sa sequence: 17 - 34 - 68 - 136 - _____?

(13) Susunod sa sequence: 5678 - 4444 - 3210 - 1976 - _____?

(14) Buuin ang parirala: 7 W of the W?

(15) Buuin ang parirala: 12 B sa 1 T?

* * *

Sagot: (1) 1. (2) 8. (3) 50. (4) 76. (5) 500. (6). 666. (7) 13. (8) 8. (9). 8. (10). 1521. (11) 34. (12) 272. (13) 742. (14) 7 Wonders of the World. (15) 12 Buwan sa 1 Taon.

Show comments