Dr. Elicaño, ako ay 50-anyos at empleada sa isang banko. Madalas po akong makaranas nang pananakit ng puson o sa lower abdomen. Madalas akong umihi pero kakaunti lang at mahapdi o yung may burning sensation. Napaka-dark din po ng aking ihi na para bang may halong dugo. Ito ba yung tinatawag na cystitis? Kasi ang isa kong ka-empleada ay nakaranas din ng ganito. Ano po ang mga gagawin ko.”
—MONINA A. ng Project 6, QC
Kailangang ma-check-up ka para malaman ang tunay na dahilan ng iyong idinadaing na pananakit ng puson o lower abdomen. Posible na ang dinaranas mo ay cystitis batay sa sinabi mong sintomas. Pero mahalagang ma-check-up ka para makasiguro.
Ang cystitis ay infection ng bladder at kagagawan ito ng bacterium. Karaniwang nagkaka-cystitis ay kababaihan at madalang na madalang sa kalalakihan. The prevalence of cystitis in females is due to the fact that urethra is much shorter in women than in men, and the bacteria (which are harmless in the bowel) at more likely to gain access both to the urinary tract and vagina.
Ang treatment para sa may cystitis ay ang pag-take ng antibiotics at ang pag-inom nang maraming tubig. Maaaring uminom nang bicarbonate of soda para ma-counteracts ang acidity ng ihi at nang mabawasan ang hapdi sa pag-ihi. Kapag maraming nainom na tubig, madi-dilute ang ihi at mapa-flush out ang bacteria. Kapag nangyari ito, hindi na maggo-grow ang bacteria at wala nang aatake.
Dapat maagapan ang paggamot sa sakit na ito para hindi na lumala.