BAGO ang lahat, I wish to congratz my friend, veteran broadcaster and journalist Arlyn dela Cruz — ang babaeng talo ang lalaki sa pagko-cover ng mga mapanganib na situwasyon at kayang pasukin pati kuta ng mga rebel- deng MILF at Abu Sayyaf nang walang takot. Siya na ngayon ang station manager ng inyong favorite radio station Hi Pangga! 91.5 Energy FM ng Ultrasonic Broadcasting System, Inc. Keep up the good work Arlyn! P’wede bang mag-apply na dj? He he he!
* * *
Naniniwala ako na ang administrasyong Aquino ay matatawag na “honest government.” Sa dinaluhan ni Pre-sidente Noynoy Aquino na US-ASEAN meeting sa New York, naka-display sa bulwagan ang lahat ng mga bandila ng kasaping bansa, pati watawat ng Pilipinas. Kaso may nangyaring pagkakamali: Baliktad ang pagkaka-display ang ating bandila. Yung pula ay nasa itaas na nangyayari lamang kapag ang bansa ay nasa larangan ng digmaan.
Sabagay, humingi ng dispensa ang pamahalaan ng Amerika sa pangyayari porke sila ang gumawa ng arrangement. Pero sa isang banda, dapat may mga protocol officers ang Pilipinas na umaantabay para maiwasan ang ganyang mga pagkakamali. Tanong ni Mang Gustin “nasaan sila?” Hindi kaya nagla-last minute shopping sa malls?
Sasabihin ng iba, maliit na bagay iyan na di dapat palakihin. Sa akin hindi maliit ito lalu pa’t isang international forum. Ang sabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ito’y isang “honest mistake.” Of course naman. Sino ba naman ang sasadyain ang ganyang pagkakamaling magbibigay ng kahihiyan sa bansa.
The thing is – sa tuwing may mga pagkakamali ang pamahalaan, laging sinasabing ito’y “honest mistake.”
Sabagay, bagito pa talaga ang gobyernong ito at kumbaga sa babaeng buntis ay “nanganganay.”
May kasabihang “honesty is the best policy.” Dapat manatili ang honesty pero huwag naman sana yung mistakes. Somehow, sa dinami-dami ng mga baptism of fire ng administrasyon ni P-Noy, dapat lang itong matuto para sa darating pang mga araw ay maging maayos na ang pamamalakad sa bansa.