Dr. Elicaño, magandang araw po. Itatanong ko lang po ang tungkol sa thyroid gland tumor. Kasi’y nagkaroon ako ng problema sa tonsils noong bata pa ako at ngayong ako ay nasa 30-taong gulang na, problema ko ang mahirap na paglunok. Masakit kapag ako ay lumulunok? Isang sintoma po ba ito na may thyroid gland tumor? Bakit ba nagkakaroon ng thyroid gland tumor?
—MICHELLE A. ng Araneta Ave. QC
Walang tiyak na dahilan kung bakit nagkakaroon ng thyroid gland tumor subalit sinasabing ang paulit-ulit na exposure sa radiation sa dibdib, leeg at ulo noong kabataan pa ang maaaring naging dahilan ng panganib. Sinasabi rin na ang mga nakaraang treatment sa tonsillitis noong kabataan at ganoon din sa Hodgkin’s disease kung saan tumanggap ng doses ng radiation ay nasa panganib magkaroon ng thyroid gland tumor.
Ang palatandaan ng thyroid gland tumor ay ang bukol sa lalamunan at ang mahirap na paglunok. Masyadong mahirap lumunok ang may thyroid gland tumor.
Nararapat isailalim sa operasyon ang maysakit. Aalisin ang bukol o ang lahat ng bahagi ng thyroid. Kapag malignant na ang tumor, aalisin ang mga kalapit na kulane at saka iti-treat ng radioactive iodine. Maaaring mangailangan ng antithyroid drugs o kaya’y thyroid hormone replacement.