MABUHAY ang Pinuno ng ating magiting na Bansang Pilipinas! Pranka, matapat at walang pagkukunwaring humarap sa media si Presidente Noynoy Aquino sa isang pambansang brodkas sa telebisyon. “Amateurist” man siya sa mata ng iba, ipinakita niya kung sino siya at walang pinagtakpan hinggil sa kanyang sarili.
Sa lipunang tigib ng makasariling interes at kasakiman, marami ang magagalit sa kanya. Pero kailangan ang isang taong naninindigan sa tama at matuwid. Kailangan din ang mga taong titindig kasama siya.
Marami ang bumatikos sa kanya sa naganap na hostage crisis subalit sa kanyang pagharap sa media, nakita ang katapatan ng kanyang pagkatao. Labis niyang pinagkatiwalaan ang kanyang mga tauhang nanganga- siwa sa krisis. Huli na nang malaman niyang papalpak ang mga ito. Huli na nang hangarin niyang “sana ako na ang naroroon.”
Habang nagaganap ang hostage crisis, natukso siya na personal mamagitan. Pero nakapag-isip siya. Hindi ito basta puwedeng gawin. May negatibong epektong maidu-dulot ito sa kahalintulad na insidente sa hinaharap. May mas malawak kasing responsibilidad sa pagpapatakbo ng bansa ang Pangulo. Pero siguro, dapat itong gawin kung hinihingi ng situwasyon. Huli na ng nangyari ang sit-wasyon: Inaresto si SPO2 Gregorio Mendoza, kapatid ng hostage-taker na si Capt. Rolando Mendoza. Kitang-kita sa telebisyon sa loob ng bus ng hostage-taker ang pangyayari.
Inamin ng Pangulo na napika na siya sa nangyari. Sumulak ang dugo niya nang arestuhin at halos kaladkarin ang kapatid ng hostage-taker. “Sino kaya ang nagpaaresto?” ang tanong ng nanggigigil na Pangulo dahil ito ang naghudyat para magbawal ang hostage-taker sa loob ng bus. Nawala sa katinuan ng isip at pinagbabaril ang mga turistang Chinese.
Sabi ng iba, hindi dapat hu- marap at nagsalita sa media ang Pangulo dahil hindi pa tapos ang imbestigasyon sa insidente. Sa ganang akin, tama ang kanyang ginagawa. Nagbigay ito ng kaliwanagan hinggil sa mga “gray areas” na palaisipan sa isip ng marami kaugnay ng masaklap na insidente.