IDARAOS sa Nobyembre 16 hanggang 18 ang isang malaking prayer gathering sa Cuneta Astrodome sa pangunguna ng Intercessors for the Philippines Inc. (IFP). Ang tema ay Raising up a Nation of Davids.
Sa harap ng climate change at inaasahang pagdating ng mga masusungit na kalamidad, kailangan natin ito. Only little can be achieve through human intervention. We need Divine Intervention.
Tama yung Nation of Davids. Ang kalaban natin ngayon ay ang ngitngit ng kalikasan at tayo’y mistulang paslit na “David” na lumalaban sa higanteng Goliath.
Sa ating modernong panahon, tila dumarami na ang hindi naniniwala sa prayer power. Mabuti’t may ganitong grupo ng mga Kristiyano na hindi bumibitiw sa pananampalataya at naghahangad na makapagtatag ng 24-Hour Houses of Prayers.
Libu-libong mga church leaders mula sa iba’t ibang denominasyon kasama ang mga prayer intercessors ang mananalangin ng walang patid sa mga petsang nabanggit natin. Ito’y sa layuning mailigtas ang bansa sa mga kalamidad tulad ng baha, lindol, tsunami, pagguho ng lupa at bagyo, ayon kay IFP national chair, Bishop Dan Balais, senior pastor ng Christ the Living Stone Fellowship (CLSF) Church. Isama na rin siguro sa panalangin ang pagpawi sa mga political bickerings na naghahari pa rin sa ating pamahalaan at lipunan.
How I wish pati ang mga namumuno sa ating pama-halaan ay makilahok sa pagtitipong ito. Nasubukan na natin ang people power at kung anu-anong power sa paglutas sa mga problema ng bansa pero tila nakakalimutan ang lakas ng panalangin.
“Kapag na-promote ang event na ito, maaasahan natin na maraming mga delegado ang dadalo bilang mga representante ng kanilang mga probinsiya at lungsod,” ani Balais.
Ang IFP main office sa Mandaluyong City at mga kaalyado nito sa buong bansa ay tumatanggap na ng pre-registrations para sa mga maagang nagpaparehistro. Sa karagdagan na impormasyon, makipag-ugnay kay April Abuan o kanino man sa mga staff ng IFP sa telepono 533-5166 o cell phone no. (0920) 9285129.