'Operation White Rock Subic, Zambales'

HINDI na bago sa BITAG ang mga malalaking ope-ras­yong isinasagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency laban sa mga kuta ng ipinagbabawal na droga.

Sa respetong ibinabahagi ng aming grupo sa naturang ahensiya, at sa tiwalang ibinibigay sa BITAG ng PDEA, matagumpay ang mga operasyong aming napagsasamahan.

Kaya naman, sa ikinasang drug-bust operation ng PDEA nitong Agosto sa tinaguriang notoryus na komunidad ng droga sa Subic, Zambales, muli kaming naanyayahang magdokumento.

Kilala ang Subic, Zambales sa mga naggagandahan at sari-saring beach resort. Ito na ang pinakamalapit na dayuhan ng mga turista mula sa Metro Manila.

Subalit sa kabila ng mga beach resort na pinupunta-han rito, may isang lugar pa na sikat din at dinadayo.

Subalit hindi para mamasyal o mag-beach. Kundi para bumili at gumamit ng ipinagbabawal na drogang shabu, ang Bgy. Calapacuan, Subic, Zambales.

Tinaguriang notoryus sa droga ang Bgy. Calapacuan, Subic, Zambales dahil 2005 pa lamang, pinapasok na ang lugar na ito upang i-raid, sa pangunguna ng mga pulis na nakakasakop sa lugar.

Kataka-taka, dahil makailang beses nang nagsasagawa ng drug raid operation sa barangay na ito, hindi nahuhuli ang mga main subjects.

Sa info ng PDEA agent na nag-undercover sa lugar, umano’y moro-moro o palabas lamang ang mga isinasagawang drug operation.

Kaya naman sa ope-rasyong ito, mabusi-sing pinagplanuhan at maiging pinaghandaan ang isasagawang drug bust operation.

Sa bisa ng search warrant, tatlo ang kinilalang mga main suspect na nagbebenta, gumagamit at nagsisilbing drug den ang kanilang mga bahay para sa mga gagamit ng iligal na drogang shabu.

Show comments