3-in-1 plus 1

Hindi ko maiwasang maihambing ang naging series ng atake ng mga New People’s Army dito sa Southern Mindanao nitong mga huling araw sa 3-in-1 plus 1, Happy Kaarawan! na TV ads ng isang brand ng ice cream.

Kasi nga simula noong May 11, isang araw matapos ang halalan, tatlong sundalo, isang CAFGU member at isang poll watcher ang namatay nang inambush ng mga NPA ang Elf truck na lulan ang mga sundalong escort ng mga board of election inspectors at poll watchers na papuntang municipal canvassing sa poblacion ng Maragusan, Compostela Valley.

At pagkaraan ng isang araw, umandar na naman ang mga rebeldeng NPA. Kininap ng mga rebelde ang tatlong sundalo at isang CAFGU member na naman sa bayan ng Mawab, Compostela Valley rin. Bihag pa rin ng mga NPA hanggang ngayon ang tatlong sundalo at ang militiaman.

At noong nakaraang Sabado naman, umatakeng muli ang mga rebeldeng NPA, at dito na sa mataong bahagi ng Barangay Baracatan, Toril district, Davao City. Namatay sa nasabing atake ang tatlong sundalo na naman at isang CAFGU member.

Hindi pa natapos ang mga NPA guerrillas sa kanilang mga attacks dahil lumusob sila uli noong Lunes sa bayan ng Banaybanay, Davao Oriental. At tatlong sundalo na naman ang namatay, lima pang iba ang sugatan.

Medyo nagkataon ata na panay tatlong sundalo ang namamatay tuwing umaatake ang mga communist insurgents.

Kaya tuwing dumarating ang balita ng panibagong atake ng mga rebeldeng NPA, di ko maiwasang kantahin ang ‘3-in-1 plus 1’ dahil nga sa bilang nga mga biktima.

Ngunit, seryosong usapan na ito— hindi na magan­dang balita na nauubos ang ating mga sundalo sa mga atake ng mga NPA. Hindi na kanaisnais na magbibilang tayo kung ilang sundalo na naman ang namamatay sa tuwing may ambush o pang-atake.

Natatalo ba ang ating Armed Forces of the Philippines sa mga NPA? O sadyang hindi kaya ng AFP na tuparin ang pangako nitong lipulin ang NPA pagdating ng June 30.

Papayagan na lang ba nating mauubos ang ating mga sundalo?

Kasi kung ganun, mas mabuti kaya kung i-dismantle na lang ang 10th Infantry Division ng Philippine Army na siyang may jurisdiction sa area ng Southern Mindanao?

Sana sa susunod ay talagang birthday celebration na pag kakanta ng ‘3-in-1 plus 1’ at hindi na bilang nga mga sundalo at CAFGU members natin na natutumba ng mga rebeldeng NPA.

Show comments