AKTIBO ang BITAG sa mga kasong HULIDAP na kinasasangkutan ng ilang bugok na pulis ng ating bansa.
Marami-rami na rin ang aming nasampulan at ipinapakita ng BITAG ang bawat aksiyon at pagkilos ng aming grupo upang kami’y maging patas.
Dahil dito, inuulit lamang ng BITAG, hindi namin kaaway o kalaban ang mga alagd ng batas lalo na ang mga pulis.
Mataas ang respeto namin sa uniporme ng Philippine National Police subalit kung kabalbalan, pang-aabuso at panghuhuthot ang magiging trabaho, galit kami dito.
Isang tawag mula sa isang kaibigan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang natanggap ng BITAG.
Hindi tulad dati, hindi isang operasyon laban sa ipinagbabawal na droga ang kanilang imbitasyon.
Isang ahente nila ang pinatos at tinabla ng ilang pulis sa Olongapo Station 3 Police Precinct. Nangyari ang insidente sa loob ng Subic Bay Metropolitan Authority.
Ang eksena mula na rin sa reklamo nang lumapit sa aming PDEA confidential agent, A-4 ng Mayo, isang restaurant sa loob ng SBMA ang kanilang kinakainan.
Kasama ang isang Fil-American at isang babaeng kaibigan. Sa pagitan ng alas-6 at alas-7 ng hapon, bigla umano silang “kinalawit” ng mga nakasibilyang nagpakilalang pulis.
Dali-dali raw silang isinama sa Station 3 Police Precinct sa Olongapo City. Ikinulong siya at ang kaniyang Fil-Am na kaibigan sa loob mismo ng selda dahil sa salang illegal possession of drugs.
Nang siya’y magpakilala at ipakita ang kaniyang PDEA confidential agent I.D, sinabihan umano siya ng isa sa mga pulis na “alam mo naman sa trabaho nating ito, pera-pera lang. Pasensiya na, tabla-tabla na lang…”
Hinihingian umano ng isang milyong piso ang kaniyang kaibigang Fil-Am kapalit ng kalayaan nito. Nagtawaran at bumaba sa tatlong daang libong piso na lamang ang hinihingi ng mga pulis-Olongapo.
Dito, ang confidential agent ang ginawang kolektor ng mga nag-HULIDAP na pulis. Pinakawalan siya at ang kaniyang kasamang babae upang makuha ang tatlong daang libong piso sa kamag-anak ng Fil-Am.
Subalit hindi lamang ito ang ginawa ng mga kolokoy na pulis Olongapo….May Karugtong…