NABASA ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang pamanahong papel nina Milette Mendoza, team leader ng group of 1st year ng UST Nursing students, Victorio Francis Chan, Kyla Mariz Delector, Kris Oliver Estares, Adrienne Mercado, Frenz Maloloy-on at Christopher Emmanuel Ma, regarding sa ‘street children’ thesis report nila porke nakakaantig ng damdamin ang kanilang ulat para gisingin ang madlang people partikular ang mga kamoteng pulitiko na walang ginawa kundi ipako ang kanilang mga pangako sa mga pobreng alindahaw.
Sabi nga, mga batang lansangan!
Tanong - ano ba ang batang lansangan?
Sagot - para sa grupo sa itaas sila ay mga batang nakatira o nagtatrabaho sa kalye at sa halip na mag-aral ay inuubos nila ang kanilang mga time sa iba’t-ibang uri ng hotraba na wala man lang proteksyon ang mga nakakatanda.
Ika nga, monkey business.
Ang mga batang lansangan ayon sa grupo ni Milette ay karaniwang nasa 12 up to 18 yrs. old, sila palaboy-laboy sa kalye sa pag-asang kikita sila ng pera para sa kanilang everyday need.
Ika nga, pang tsibog.
May mga batang lansangan na kasama ang kanilang mga ermat at erpat sa kalye habang gumagala sila samantala ang iba naman sa kanila ay iniwan o inabandona ng kanilang pamilya.
Sabi nga, goodbye my children goodbye!
Sa ginawang pananaliksik ng grupo ni Milette, may 222,417 pala ang dami ng mga batang lansangan sa 65 pangunahin lungsod sa Philippines my Philippines. May 50,000 to 70,000 sila sa Kalakhang Maynila, ang karamihan o ang pinakamataas na bilang sa mga ito ay makikita sa Manila 3,266, Quezon City 2,867, Kalookan 1,530 at Mandaluyong 1,420 samantala ang iba sa kanila ay nasa iba’t-ibang lugar.
May malaking isyu kinahaharap ang mga batang lansangan tulad ng ‘child labor problem,’ ayon sa Presidential Decree 603 o ang Child and Yourh Welfare Code ang karapatan ng isang bata ay bigyan sila ng proteksyon laban sa ‘exploitation’, mga masasamang impluwensiya, kapahamakan o mga sirkumstansya na makakasama sa paglaki ng isang bata.
Ayon sa ulat nina Milette, ang mga batang nagtatrabaho na may edad 5 to 17 yrs old ay umaabot na sa 4 million at ang karamihan sa mga ito ay matatagpuan sa Region 4 at NCR.
Sa isyu ng droga, may 1.5 million ang umaming sila ay gumagamit ng pinagbabawal na gamot mula sa edad na 15 to 30 yrs old. May mga umamin batang lansangan na 60% ang sumisinghot ng rugby, 14% ang lumalaklak ng cough syrup 5% ang humihithit ng marijuana at 2% ang tumitira ng shabu.
Sa isyu ng child abuse, ayon kina Milette, may 11,841 ang kaso ng pang-aabuso at pinababayaan mga bata noon pang 1999. Sa mga kasong ito may 44.5% ang pang-aabusong sekswal at 21.67% ay pisikal na pang-aabuso.
Ang isyu ng prostitusyon, nagbebenta ang mga ito ng kanilang katawan para kumita ng pera dahil ang rason ay kahirapan sa buhay, Ayon sa pananaliksik nina Milette, may 5.6 million kabataan sa Metro Manila ang nakatira sa mga ‘squatter area’ at 100,000 sa mga ito ay sapilitang pumapasok sa prostitusyon o pornograpiya.
Ang rekomendasyon ng grupo ni Milette, nais nilang bigyan pansin ang pangangalaga sa mga batang lansangan at bigyan sila ng proteksyon hindi sila dapat ituring na laruan. Sa mga pulitiko dapat nilang pagtutuunan ng pansin ang problema ng batang lansangan hindi iyong puro pangako na napapako naman ang kanilang pangako.
‘Saludo ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa grupo ni Milette Mendoza sa ginawa nilang pananaliksik tungkol sa isyung ito’
Mabuhay kayo!
NTC, palakpakan
May eroplano este mali plano pala ang National Telecommunications Commission kasi gusto nilang ibigay huling natitirang 3G frequency.
Sangkaterba ang matutuwa dahil magiging cheaper toits.
Gusto ni Commissioner Gamaliel Cordoba bigyan ng murang paggamit ng text ang million of Filipinos sa Philippines my Philippines.
Kikita ng malaki ang government of the Philippines my Philippines kung sino ang mabibigyan nito.
Ayon kay NTC Deputy Commissioner D. Michael Mallillin, nagbigay ng opinion ang OSG tugkol sa plano nila na i-subasta na ang huling natititirang 3G frequency band na matagal nang hindi napapakinabangan sa loob ng limang taon ng nakalipas na limang taon.
Tanging ang Smart Communications, GlobeTelecom, Digital Telecommunications Philippines and Connectivity Unlimited Resources Ent. ang qualified at sila ang complete sa rekititos.