Sadistang amo na nagtatago, tinutugis ng BITAG!

KUNG hindi may sira sa ulo, maituturing na utak krimi-nal ang among si Annabelle Catajan na ngayo’y suspek sa pambubugbog sa kaniyang menor-de-edad na katulong.

Ang 17-anyos na si Madel na tubong Bicol ay nama­sukan bilang tagapag-alaga ng dalawang anak ni Catajan sa isang condo unit sa Brgy. Matimtiman, Teacher’s Village.

Sumbong ng biktima, sa loob ng walong buwan ni-yang pamamasukan pawang pananakit at kalupitan ang ginawa sa kaniya ng amo.

Ang mga tinamo ng biktima, maga at may malaking pasa ang kaliwang braso sanhi ng walang humpay na pananadyak, halos makalbong ulo dahil sa sabunot, namamagang batok dahil sa hampas ng sangkalan, black eye at kalmot sa mukha.

Pinakamatindi sa lahat ay ang bakat ng buong hugis ng plantsa sa likod ng bata. Bukod rito ang pagpapa-kain sa kaniya ng sariling buhok at dura ng kaniyang kasama.

Suwerte lang ng sadistang amo na si Catajan, naka­takas siya sa tulong ng kaniyang kasa-kasamang pulis na nagtatago sa pangalang June Dela Cruz.

Kaya naman, tinatawagan namin ng pansin ang lahat ng BITAGers (mga taga-subaybay ng BITAG) kung sino man ang nakakakilala o may impormasyon kung saan nagtatago si Annabelle Catajan, itawag agad sa aming tanggapan.

May naghihintay na pabuyang dalawampung libong piso kung sino man ang ma­ kapagbibigay ng anu­mang impormasyon sa taong ito.

Kung inaakala lang ng suspek na si Annabelle Catajan na porket isang ma­­hirap na tao lamang ang kan­yang biktima at mauuwi lamang ito sa pagsasampa ng kaso, nagkakamali siya.

Sa lupit ng kaniyang gi­nawa sa batang ka­sam­bahay, BITAG na ang ta­tapat sa kaniya. Abangan!

Show comments