Habang ginagawa ko ang artikulong ito hindi ko mapigilan ang aking sarili na awitin ang makabagbag damdaming kantang “Bumbay, I hate to see you go but have a good time.”
Yan ang nasabi ni Corazon Dehapin, 37 taong gulang na taga Imus, Cavite, kung tawagin siya’y si Hazel.
Dati siyang ‘singer’ sa Japan nakaipon ng pera sa tulong ng asawang hapon na si Shige Takahashi. Tatlong taon silang nagsama at nagkaroon ng isang anak. Si Takahashi ang nagbigay sa kanya ng bahay sa Imus. Pagbalik naman ni Takahashi sa Japan ay binawian na ito ng buhay,
Tumigil na si Hazel sa pagkanta, wala siyang trabaho. Nagkapatung-patong ang kanyang utang sa mga gastos na kailangan nilang mag-ina.
Kinailangan niyang isanla sa bangko ang kanyang bahay at lupa sa halagang Php800,000. Napunta naman sa wala ang napagbentahan nito ng lokohin siya umano ng babaeng si Tess Gabrido sa pagiging alahera.
Nakilala niya ang ‘Indian National’ na nagpakilalang si Sunny Tahilram Balani sa Max Restaurant Baclaran.
“Nilapitan niya ako at ikinuwento sa akin na Php 5 milyon umano ang natangay sa kanya ni Tess,” sabi ni Hazel.
Inalok siya ni Balani na magtulungan sila sa paghabol kay Tess. Ito ang dahilan kung bakit naging madalas ang kanilang pagkikita. Hindi namalayan ni Hazel na unti-unting nahuhulog ang loob niya kay Balani hanggang sa pumasok na sila sa isang relasyon.
Hindi nagtagal lumabas ang tunay na kulay ni Balani. Sari-saring drama ang kanyang narinig at iisa lamang ang pakay nito, humihiram siya ng pera kay Hazel.
Hindi naging mahirap para makuhanan niya umano si Hazel ng pera. Ang kabuuan nito ay mahigit sa Php 350,000.
Matapos nun, naging madalang ang pagpapakita ni Balani kay Hazel. Nakaramdam naman si Hazel ng panlalamig.
“Tuwing tatawagan ko siya puro dahilan ang naririnig ko. Natauhan na rin ako at tinanggap sa aking sarili na naloko na naman ako hindi lamang ng pera kundi pati sa pag-ibig,” pagtatapat ni Hazel.
Itong mga nakaraang buwan ayon kay Hazel tuwing sisingilin niya si Balani ay puro mura na lamang ang natatanggap niya sa ‘text’ gaya ng, “P#+@*1%!9&!! Praning ka! May sayad ka.. tigilan mo ako hindi kita babayaran,” mga mensahe umano ni Balani.
Ginawa ni Hazel sinaliksik niya ang bahay ni Balani. Naalala niya na may ibinilin sa kanya si Balani na kung mayroon siyang gustong ibigay ay ipadala sa bahay ng kumare niya sa Arcadia Village. Naisip ni Hazel na puntahan ang lugar na yun. Tama naman ang kanyang hinala, dun pala nakatira si Balani.
Pinagsisigawan siya umano ni Balani at sinabing dun na lang magkita sa mall ng Robinson’s Galleria dahil ayaw niyang mag-iskandalo sa nasabing lugar.
Nagkita sila dun at pinangakuan ni Balani na huhulug-hulugan na lang niya ang kanyang utang. Ang huling pangako ni Balani ay noong Setyembre 30, 2009 ngunit ni amoy ni bumbay, walang dumating.
Galit na si Hazel, ang gusto niya ay maibalik ang kanyang pera at isiping isang bangungot ang kanilang pagkakakilala.
Itinampok namin ang istorya ni Hazel sa aming programa sa radyo Hustisya Para Sa Lahat sa DWIZ 882 Khz (tuwing 3:00 ng hapon).
Ipinaliwanag namin sa kanya ang ‘legal options’ na maaari niyang gawin, ang magsampa ng kasong ‘Estafa’ or Violation of Article 315 dahil sa pag-abuso nito sa kanyang tiwala.
Inirefer namin siya sa tanggapan ni Commisioner Marcelino Libanan ng Bureau of Immigration and Deportation (BID) upang tingnan kung maayos ang pag-stay dito ni Balani.
Ika-29 Enero, naganap ang una nilang paghaharap sa tanggapan ng Special Prosecutor na si Atty. Homer Arellano. Hindi sumipot si Balani at tanging ang attorney nito na si Atty. Senen Duadico ang nakausap ni Hazel.
“Gaya ng inaasahan ko wala si Sunny dahil natakot daw na maposasan kaya ninerbyus at hindi makahinga. Magbibigay na lang daw siya ng pera ng 1st week ng February” kwento ni Hazel.
Iniutos naman ni Atty. Arellano na dalhin ang passport ni Balani upang mapag-aralan. Sumagot naman umano si Atty. Duadico na lost or ire-renew ang passport ni Balani.
Napagkasunduan nila na babalik ng ika-8 ng Pebero upang magbayad si Balani ngunit hindi pa rin ito pumunta at wala din ang passport.
“Wala daw pera si Balani at intindihin ko daw. Paano naman kami? San kami titirang mag-ina? Pinapaalis na kami sa inuupahan naming bahay dahil 3 buwan na kaming hindi nakakabayad” hinaing ni Hazel.
Ayon sa dokumento na ibinigay sa amin mula sa BID at pirmado ni Atty. Arellano na “undocumented, improperly documented or overstaying, in violation of Section 37 (a)(7) in relation to section 37(d) of the Philippine Immigration Act of 1940.
Ang hindi pagbigay ng passport ay nagsilbing ebidensiya na marahil si Balani ay isang ‘undocumented, improperly documented or overstaying alien’ sa ating bansa. Meron ng batayan para siya’y sampahan ng kaso dahil sa paglabag sa Immigration Law of 1940.
Kapag napatunay na nga na siya’y nagkasala, ang dati naming sinabi nun na ‘Goodbye Bumbay!’ ay ilalagay naming ‘Go Fly Bumbay!’.
Kami’y nagpapasalamat kay Comm. Libanan Jr., Comm. Roy Almoro at Atty. Homer Arellano sa mabilis na aksyon na ibinigay n’yo sa ating kababayan na nadehado sa kasong ito.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES may agam-agam itong si Hazel na hindi na siya babayaran dahil baka i-deport na ang Indian National na ito. Nais namin linawin na kapag ang isang banyaga ay nahaharap sa isang kasong kriminal, sa usaping ito’y ‘Estafa in Violation of Article 315’ ng ating Revised Penal Code kailangan harapin niya muna ang kasong ito at kung may sintensya ay pagdusahan niya ito sa kulungan at bayaran ang mga kaukulang ‘damages’ sa naagrabyadong si Hazel. Matapos magawa niya ang lahat ng ito isang ‘one way plane ticket’ ang kanyang gantimpala papunta sa kanyang ‘point of origin’ ang naghihintay sa kanya. (KINALAP NI AICEL BONCAY)
Sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 maari din kayong tumawag 6387285. Maari din kayo magpunta sa aming tanggapan 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City.
Bukas ang aming tanggapan tuwing SABADO 8:30am- 12:00pm. Ang aming 24/7 hotline ay 7104038.
EMAIL address: tocal13@yahoo.com