TILA yata si Atty. Siegfred Fortun ay walang alam na legal ethics. Maliwanag pa sa sikat ng araw na ang kanyang kliyente na si Mayor Andal Ampatuan Jr. ay guilty ng mass murder. Ngunit itong abogado nyang si Fortun ay nagkakandarapa ng pagdedepensa sa kanya at pina yuhan pa na mag-plead ng “not guilty”. Abogado rin ako at napag-aralan namin sa law school na kapag maliwanag namang guilty ang kliyente ay payuhan na lamang na magsabi ng totoo sa korte sa halip na magsisinungaling.
Ang magagawa na lamang ng abogado ay ‘yung alagaan ang mga karapatan niya bilang defendant. An accused has rights too and he is entitled to due process. Ipaglalaban halimbawa ng abogado kung entitled ang kli- yente niya sa mitigating circumstance na makapagpapa- baba ng kanyang sentensiya. Kumpanyero Fortun, basahin mo ang Rule 10.01 ng “Code of Professional Responsibility” kundi ay ipadi-disbar kita. Masyado ka yatang pasaway.
Ang Rule 10.01 ay nag-uutos na: “A lawyer shall not do any falsehood, nor consent to the doing of any in court;”. Lumalabas na si Fortun ay nang-uudyok kay Mayor Ampatuan na magsabi na ang maliwanag na kulay itim ay kulay puti. Malamang si Fortun ay panay absent sa law school nang itinuro ang legal ethics o pera-pera lang ang nasa utak niya di baleng hindi madulutan ng hustisya ang mga massacre victims sa Mindanao .
May kasabihan na kung ano man ang puno, siya rin ang bunga. Maliwanag din sa sikat ng araw na si Ampatuan ay bunga ng pangangalaga at proteksiyon ni Mrs. Gloria Arroyo. Ngayon na nasa gilid na ng alanganin si Ampatuan, binitiwan na siya diumano ni Mrs. Arroyo. Kung walang Mrs. Arroyo, maaring hindi nagbunga ng Mayor Ampatuan. Sino dapat ang magsabi ng “I’m sorry”? Sino ang dapat na sisihin? Sino ang talagang walang ethics?