Payo sa Valentine's

Marami ang puso na nagmamahalan

Ang biglang lumuhod sa harap ng altar;

Sila ay sumumpa na ngayong Valentine’s

Magsasama sila hanggang sa libingan!

Pero di nagtagal ilan sa kanila

Ang biglang kumalas sa kinakasama

Lalaki’y naglayas puso’y lumuluha –

Dahil sa ang mahal sumama sa iba!

Sa nangyaring ito’y di dapat asahan

Mga sumpa nila’y tapat sa mahalan;

Kaya leks’yon dito na dapat tandaan

Bago magpatali’y dapat pag-aralan!

Araling mabuti taong mamahalin –

Upang di mamali sa kakasamahin;

At sa ating mutyang likas madasalin

Mabuting lalake ang dapat piliin!

Mayro’ng mga taong likas na masama

Kunwari’y mabait ay demonyo pala;

Kaya ang marapat gawin ng binata

Mutyang iibigin ay suriin muna!

Kaya anong dapat gawin sa pag-ibig

Lalo’t ang kasalan lubhang nalalapit?

Subukan ang inyong naging paglalapit

Babaing minahal hindi ba malupit?

At ang lalaki man ay masusubukan –

Kung siya’y mapusok ay huwag payagang

Ito’y maka-score mutyang paraluman

Upang di magsisi sa inyong sumpaan!

At kung si babae ang siyang mapusok –

Itong si lalaki dapat may self-control;

Kung sila’y maingat – di dapat matupok

Sa tawag ng lamang bundok na sasabog!

Kaya sa pag-ibig dapat may hangganan

Ang tama at mali ang gawing timbangan;

Kung mali ay huwag itong papatulan

Sa gagawing tama – Diyos ang patnubay!

Show comments