ILANG e-mail messages na ang aming mga natanggap mula sa Pilipino community ng Vallejo, California.
Nag-aalala sila sa pagtaas ng krimen at sunod-sunod na patayan sa Vallejo.
Nakilala namin ang ilan sa respetableng Fil-Am leaders noong bumisita ang BITAG, Agosto ng nakaraang taon.
Hinihikayat nilang muli ang BITAG na bumalik at i-cover ang Vallejo Police sa kanilang mga aktuwal na operasyon.
Matagumpay kasing naisagawa ng grupo ng BITAG ang patrol car ride along sa tulong ng mga Pilipino-American cops.
Nakilala namin ang halos lahat ng mga pulis na Amerikano at Pilipino sa Vallejo subalit karamihan sa kanila ngayon, tinanggal na sa kanilang trabaho.
Tuloy pa rin ang aming pakikipag-ugnayan, sa mga natitirang Pil-Am cops na’to. May hinanakit sila sa ginawang hakbang ng Vallejo City Council na bawasan ang kanilang puwersa.
Ang nasabing retrenchment o pagbabawas ay dahil sa pagbagsak ng ekonomiya ng US., ang recession.
Sa anumang kadahilanan, hindi namin makita ang punto ng ilan sa kanila sa Pilipino community na i-cover muli ang Vallejo sa nangyaring pagtaas ng krimen.
Sinagot na namin ang kanilang kahilingan na kami’y babalik muli ngayong Hulyo o Agosto ng taong ito.
Gusto ring makita ng BITAG ang tindi ng pagtaas ng krimen sa California gawa ng pagbagsak ng ekonomiya.
Ayon na rin sa isang Pil-Am cop na nakasama na-min, bagamat masama na ang sitwasyon ng kanilang departamento gawa ng pagbabawas, tumaas naman daw ang kanilang morale.
Ito’y matapos nilang mapanood ang kopya ng isang buong episode ng BITAG na pinamagatang, Pil-Ame-rican cops na ipinadala namin noong buwan ng Nobyembre, 2009.