PS/Insp. Aristone Dogue, humarap na sa BITAG!

NABULABOG at naalarma ang Regional Police Provincial Office sa Camp Vicente Lim dahil sa sunud-sunod na pag-atake ng BITAG na mapalutang si PS/Insp. Aristone Dogue.

Ito’y matapos rin maipalabas sa aming programa sa BITAG at BITAG Live ang sumbong ng mag-asawang biktima ng Hulidap at panggagahasa ni Dogue  sa Hilltop Police, Taytay Rizal.

Bukod rito, sunud-sunod na panawagan sa ere ang ginawa ng BITAG dahil sa patuloy na pagtatago ng nabanggit na suspek na pulis.

Martes ng hapon, isang tawag mula sa Public Information Office ng Camp Vicente Lim sa Laguna ang aking natanggap.

Ang nasa kabilang linya, ang mismong PIO ng Camp Vicente Lim na si P/Supt. Jerry Protacio. Ihaharap na raw nila sa BITAG si Capt. Aristone Dogue subalit wala daw sanang camera.

Pinaunlakan ng BITAG ang kanilang imbitasyon kung kaya’t nitong nakaraang Huwebes a-28 ng Enero nakipagkita kami kay Col. Protacio.

Sinubukan namin siyang kumbinsihin si Dogue na makipag-usap sa BITAG kaharap ang aming camera,   mas makabubuti kung maidokumento namin ang ka­niyang panig hinggil sa sumbong ng mga biktima.

Ilang minuto rin kaming naiwan sa opisina ni Col. Protacio habang hinihintay siya sa pakikipag-usap kay Dogue na nasa kabilang gusali ng kampo.

Pagbalik nito, nakikiusap raw si Dogue na kakausapin muna si BITAG ng wala munang camera.

Ganoon nga ang nang­yari at may kalahating oras din akong nakipag-usap sa kaniya ng walang camera, kaharap lamang    si Col. Protacio.

Sa aming pag-uusap, napilitan itong pumayag na makuha ang kaniyang statement ng may camera.

Itinanggi niya ang aku­sasyon ng mga biktima, na­niniwala raw siyang may malaking sindikato siyang nasagasaan kung kaya’t sinisiraan lamang siya.

Sa nakita ng BITAG, kung anong takot ng mga biktima dahil sa aknilang sinapit sa PSOG ng Hilltop Police, ganun din ang takot ni Dogue habang kausap siya ni BITAG.

Kasalukuyang tumutu­long na ang Volunteers Against Crime and Corruption sa pangunguna ni Dante Jimenez at ni Atty. Pete Principe.

Ito’y upangupang ma­isampa ang kasong ad­ministratibo at kriminal laban kay Dogue, kay alyas Jacklord at alyas Subong na pawang mga operatiba ng PSOG sa Hilltop Police.

Maging babala ito sa ibang pulis na may gawa-ing hulidap at kuning ka­bayaran ang puri ng mga asawa at kamaganak na babae ng kanilang huli, kapalit ng kalayaan.

Show comments