BILANG founder ng OFW Family Club, naging familiar naman ako sa mga problema ng pamilya at away ng mga mag-asawa. Kahit sabihin na tungkol talaga sa OFW matters ang services ng club, talagang hindi maiwasan at tala gang pumapasok sa usapan ang family matters ng OFW.
Nabalita noong nakaraang linggo ang diumano’y pagsugod ni Kris Aquino sa bahay ni Mayen Austria. Nang lumabas daw si Mayen at nanay niya ay pinagmumura raw ni Kris ang mga ito dahil sa madalas daw na pagtawag at pag-text ni Mayen kay James Yap na mister ni Kris.
At ang uncle naman ni Mayen na si Gabby Lopez ay nagsabing “I know now who not to vote for,” ibig sabihin hindi na niya iboboto si Noynoy for President. Illogical itong Gabby sa tingin ko lang. In the first place walang kinalaman si Noynoy sa pangyayari. In the second place, ang issue ay kung sino ang kapalit ng ubod na corrupt at abusadong Mrs. Gloria Arroyo sa 2010.
Dahil ba sa pag-aalburuto ni Kris ay naging kasing corrupt na at naging abusado na si Noynoy at di na dapat iboto? Para sa akin kahanga-hanga ang ginawa ni Kris. What she did was in defense of her marriage and her family and of James na tila inaaswang ni Mayen nang harap-harapan.
Kung totoo mang nagmura si Kris, pardonable yan sa tingin ko. Nakakalalaki este nakakababae na kasi si Mayen insofar as Kris was concerned. And moreover di ba may kasabihan: “Hell has no fury like a woman scorned.” Pakiusap ko lang kay Kris, don’t raise hell. Mama Cory in heaven might not like it.
* * *
Mixed signals yata ang natanggap ko tungkol sa OFW na si Rodelio “Dondon” Lanuza. Nakatanggap uli ako ng text mula sa kanyang maybahay na si Maribeth na hindi pa raw siya nakalaya. Baka naman false alarm yung una. Ang ibig sabihin niyan, may chance pa na makatulong ang Embassy natin sa Saudi. Mabuti naman, ayon sa text, kinakausap naman daw ng Embassy ang nanay ng biktima.