'Aatakihin ba sa puso kapag nag-sex?'

Dear Doc Willie,

Ako’y 71 years old at may sakit sa  puso. Ang tanong ko ay kung paano ako makikipag-sex nang walang peligro? Dok, titigil ba ang puso ko kapag nakipag-sex ako? — Paul

Dear Paul, Sa tono ng iyong tanong, nahulaan kong    wala kang balak makipag-sex sa iyong misis. Ayon sa pagsusuri, mas walang panganib makipagtalik kay misis (o sa iyong usual partner) dahil mas kaunti ang lakas na iyong gagamitin. Ngunit kung makikipag-sex ka sa nakababatang partner, magkakaroon ng dobleng stress sa iyong puso. Dahil mas excited ka, bago ang inyong tagpuan at may balak kang patunayan sa iyong pag­kalalaki.

Ayaw ko mang isulat, pero ito ang mga safety tips sa ganitong sitwasyon: (1) Inumin muna ang regular na ga­mot bago makipag-sex tulad ng gamot sa puso, alta-presyon at iba pa; (2) Hayaang magtrabaho sa ibabaw ang nakababatang kapareha, (3) Huwag makipag-talik ng bagong kain, maghintay muna ng dalawang oras; (4) Itakda ang pakikipag-sex sa umaga, para may lakas pa, at (5) Humingi ng medical clearance sa iyong doktor, o dili kaya ay magpabantay sa duktor!

Dear Doc Willie, Bakit mabilis ang tibok ng puso ko kapag ako’y ninenerbiyos? Ano ang first aid sa ga­nitong kalagayan?

Sa oras ng maramdaming sitwasyon, ang katawan natin ay naglalabas ng isang kemikal na tinatawag na epinephrine. Ito’y ginagamit ng ating katawan kung   may peligro. Nakarinig ka na siguro ng taong binuhat      ang muebles nila sa oras ng sunog. Iyan ang taglay ng epinephrine. Sa pagkaka­taon na kayo ay nagalit, kung magtatalumpati, kung may matinding problema, ay naglalabas ng epinephrine ang katawan. Dahil dito, bumibilis ang tibok ng iyong puso.

Para sa mga may ner­biyos, nagbibigay ako ng isang pangpakalmang ga­mot tulad ng Bromaze- pam 1.5 mg (brand name Lexotan) na makakahingi ng reseta sa doktor. Mabi­sa at wa­lang delikado ito.

Pero may natural ding paraan para labanan ang kaba. Umupo sa isang tabi. Huminga nang malalim at mabagal ng walong beses. Gamitin ang imahinasyon para makalikha ng isang matahimik na lugar sa iyong isipan. Ok lang iyan kai­bigan, relax ka lang.

Show comments