'Chain smoker ang mister ko, laging inuubo'

Dear Dr. Elicaño, ang mister ko ay mahigit lamang 30 anyos pero dahil malakas manigarilyo, mas matanda siya sa kanyang tunay na edad. Lagi po siyang dinadalahit ng ubo sa madaling araw at walang patid. Hirap na hirap siya kapag inuubo. Siya ay nakauubos ng dalawang kahang sigarilyo sa maghapon. Ano po ba yung emphysema, Dr. Elicaño? Iyon kaya ang dahilan kaya laging dinadalahit ng ubo ang mister ko?” —MYRA TORRES ng San Pablo City, Laguna

Batay sa iyong sinabing sintomas, may emphysema ang mister mo pero dapat siyang magpasuri para matiyak kung ano ang nararanasan niya.

Ang pagkasugapa sa sigarilyo ang dahilan ng emphysema.

Ano ba itong emphysema? Ang emphysema ay ang pamamaga ng air sacs sa baga. Ang pamamagang ito ang nagiging dahilan para ang walls ng baga ay magka­putok-putok at masira. Dahilan din para ang bahagi ng baga ay tumigas at kumipot at hindi makasagap ng kau­kulang oxygen. Napupuwersa tuloy ang baga at ito ay nagdudulot naman ng strain sa puso para mag-pump ng dugo tungo rito. Maging ang mga magagaan na gawain, halimbawa’y paglalakad sa kuwarto ay nagdaragdag sa paghihirap ng puso na magdeliber ng oxygen. 

Sinasabing ang mga sugapa na sa paninigarilyo at maging ang mga taong nagtatrabaho sa polluted na lugar ay nanganganib ang kalusugan at nahaharap sa pag­kakasakit sa baga. Kahit may mga antioxidant vitamins na nakapipigil sa mga radicals na nagiging dahilan ng emphysema, dumarami rin ito dahil sa grabeng pollution at paninigarilyo.

Ipinapayo ko na tigilan na ang paninigarilyo para hindi magka-emphysema at iba pang sakit. Para mapanga­laga-an ang katawan, siguruhin na ang kinakain ay maya­man sa mga antioxidant nu­trient na kinabibilangan ng vitamins C at E. Ang vitamin C ay matatagpuan sa citrus fruits samantalang ang vitamin D ay matatag­puan sa mga pagkaing butil, kaga-ya ng mani at seeds. Ma­husay ang beta-carotene na matatagpuan naman sa carrots, apricots, mangoes, spinach at broccoli.

Show comments