PINAG-UUSAPAN ng Pil-Ams dito sa America ay tungkol sa bagong programa ng The Filipino Channel (TFC) ngayong bagong taon 2010. Panay na panay ang promo ng TFC sa kanilang mga bagong teleserye. Sinusubaybayan ng mga Pil-Ams dito ang teleserye. Paborito rin ang TV Patrol at iba pang mga news and current affairs program ng ABS-CBN.
Balita ko, mga top star-cast ang mga soap opera na uumpisahan ng TFC sa unang linggo ng Enero upang palitan ang mga teleserye na matagal na ring sinusubaybayan ng TFC subscribers Gagamitan nila ng bagong formula ang pagla-launch nila sa kanilang bagong starcast ng mga bagong soap opera.
Ibi-build-up daw ng TFC ang kanilang young stars na nagkaroon na rin ng sariling mga tagasubaybay dahil sa kanilang mga dating teleserye. Paghahaluin nila ang young stars na ito sa mga old time TFC movie stars na gaya nina Gabby Concepcion, Agot Isidro at Ruel Santiago at bagong stars na tulad nina Erich Gonzales, Enchong Dee at Melissa Ricks. Base sa mga sample na ipinakikita nila, marami ngayong Pil-Ams na halos lahat ay TFC subscribers.
Marami sa Pil-Ams dito sa Amerika ay TFC subscribers at GMA subscribers. Ang dalawang ito ang kanilang tulay sa Pilipinas. Nagiging up-to-date sila sa mga nangyayari sa Pilipinas. Hindi raw nila nami-miss ang kanilang bansang sinilangan. Kaya hindi nila binibitawan na maging members ng mga ito. Lalo na nilang hindi pinalalampas ang lahat halos ng mga teleserye ng dalawang TV stations.
Naiintindihan ko ang gusto nilang sabihin. Buhos na ang kanilang pagtatrabaho rito sa Amerika upang kumita nang malaki para sa kanilang mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas. Nais nilang may inspirasyon sa pag-uwi nila ng bahay mula sa paghahanapbuhay . Ang TFC at GMA dito sa Amerika ang tanging nagbibigay kasiyahan sa kanila habang malayo sa kanilang mga mahal sa buhay.