SI Bro. Vincent Paul Ocasiones, ang nahalal na bagong Worhispful Master ng Batasan Lodge 381, SW Archie Valeriano, JW Frenel Bautista, treasurer Rommel Cancio, Secretary Jonathan Presquito at auditor Kooping Formoso.
Wala pang matinding tsibugan mangyayari dahil Pebrero pa ang installation of officers ng mga bagong hangal este mali halal palang opisyal.
Sinabi ni incoming WB Vincent Ocasiones na huwag kaligtaan ang kanilang installation dahil magsisisi ang hindi pupunta sa dami ng pagkain ihahanda ng three lights. Hehehe!
Sabi nga, magtutumba ng baka at pagkatapos ay ita tayo ulit.
Abangan ninyo mga Kuyang!
Action man at matulungin si Mayor Fred Lim!
SINALO at inutusan si Dr. Ted Martin, ang bata-batang director ng Ospital ng Maynila matapos mabalitaan ni Manila Mayor Fred Lim mula kay Joe Taruc, ng DZRH na tinanggihan ng 9 hospital si Marlene Sumba, 30 years of age, isang buntis na taga-Las Piñas.
Sabi nga, pinagtabuyan!
Ayaw lapatan ng lunas ng mga doktor ang pobreng alindahaw sa mga ospital ng UERM, Jose Riyes, Lungsod ng Kabataan, Cardinal Santos Fabella, San Juan Medical Center, Perpetual hospital echetera sa hindi malaman dahilan.
Nagmamakaawang nagsumbong kay Joe Taruc si Marlene dahil malapit na siyang manganak kaya naman nagtatakbo ito sa mga nasabing hospital para doon siya tanggapin pero sa kasamaan palad walang gustong kumupkop dito kasi nga alaws pera.
Ika nga, ty!
Tinawag ni Joe si dirty Harry este mali Mayor Fred pala at ikinuento ang pangyayari pero hindi pa natatapos ang kanilang kuentuhan ay mabilis na pinatawagan ng personal ni Lim si Dr. Ted Martin para ito mismo ang personal na mag-asikaso sa naghihirap na buntis.
Ayon sa ilang medical observer, dapat managot ang mga ospital nagbagoy este mali nagtaboy pala kay Marlene dahil ang ganitong paraan ay hindi makatao.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nalagay sa balag ng alanganin ang kambal na anak ni Marlene dahil sa biaheng ginawa nito sa mga nasabing kamoteng ospital na hindi tumanggap sa pobreng ina ng tahanan. Hehehe!
Dapat silang managot kapag may nangyari sa anak ng pobreng alindahaw!
Malaking pasasalamat ng pamilya ni Marlene kay Mayor Lim na kahit na taga-ibang place ang buntis na ina ay hindi ito pinabayaan ni Fred.
Bida ni Mayor Lim sa mga kuwago ng ORA MISMO, mayroon na palang anim na ospital sa iba’t-ibang disierto esta mali distrito pala.
Ang pinakabago todits ay ang Justice Jose Abad Santos District hospital na may apat na palapag at ang maganda dito bukod sa bagong amoy este gawa pala ay fully air-conditioned ang mga kuwarto at ang mga pasyente todits ay puedeng kumain ng breakfast in bed, lunch in bed at dinner in bed dahil sa moderno ang bed.
Ikinuento ni Fred, nabili na pala ng City government ang dating Trinity hospital sa Kalentong Sta.Ana at ngayon ay malapit ng matapos.
Isa ang mga ito sa project ni Lim na hindi ipinagyabang at nagawa ng kanyang mga kalaban sa politika na dating mga nakatayo este mali naka-upo pala sa Manila City Hall.
Sankateba ang plano ni Lim sa Maynila dahil erpat ang dating niya sa mga Manileno hindi katulad ng mga kamote dyan na walang ginawa kundi waldasin ang pera ng bayan.
Sabi nga, sinu-sino sila?
Sagot - kayo ang magsabi!
Siya nga pala huwag natin kalimutan si Dr. Martin na nagmonitor para isilang ang kambal na anak ni Marlene ang problema nga lang habang sinusulat ito ng Chief Kuwago ay wala pang balitang nakarating sa kanya kung nailuwal ito ng maayos.
Ika nga, Lord please help them.
Amen!
Kung ang mga taga - Maynila pala ang tatanungin mula Tondo paikot sa mga distrito si Lim ang NUMBER 1!
Abangan