Ampatuphobia

DUMARAMI yata ang bilang ng ating mga honorable judges na dinapuan ng sakit na “Ampatuphobia” o takot sa mga Ampatuan.

Matapos ilipat ang venue ng pagdinig sa kaso ng Maguindanao Massacre mula Cotabato sa Quezon City, ayaw itong hawakan ng isang hukom sa pangambang baka mapahamak ang kanyang pamilya.

Sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) mismo ay magugunitang nag-file ng mass leave ang mga piskal at hukom dahil iwas-pusoy sila sa paghawak ng kaso. Napilitan tuloy magdeklara ng kontrobersyal na martial law ang administrasyong Arroyo.

Sabi ni Bangon Pilipinas Party Presidential bet Bro. Eddie Villanueva, nakikita natin kung gaano kalaking “halimaw” ang nilikha ng administrasyon. Halimaw na kinatatakutan mismo ng mga taong dapat magpatupad at maglapat ng batas.

Kaya ang payo ni Bro. Eddie kay Judge Luisito Cortez na siyang naatangang humawak sa kaso matapos I-raffle, “buti pang mag-resign na lang siya.”

“Judges are supposed to be credible and unafraid to perform their duties. Judge Luisito Cortez might as well resign now that apparently he himself does not trust our own systems,” Ani Bro. Eddie.

Tanong naman ng barbero kong si Mang Gustin: “Hindi kaya moro-moro ito para kumbinsihin ang taumbayan na kailangan talaga ang batas militar sa pagtrato sa kasong ito?” Malaya naman tayong magbigay ng kuro-kuro. Sa tingin ko, walang huwes na aaming nababahag ang kanyang buntot kundi lehitimo ang dahilan.

Pero kung intimidated ang mga dapat mag-resolba sa napakadambuhalang kasong ito, ano’ng klaseng justice system mayroon tayo? Sa isang banda, hindi mo masi-    si ang mga hukom dahil nakita na natin kung gaano ka-lupit ang mga taong dapat managot

 Dagdag ni Bro. Eddie: “Cor­tez’s inhibition showcases an inept and irrele-vant justice system that feeds on the govern­ment’s apparent own disregard for the rule of law.”

 Hindi sana tayo human­tong sa ganyan kalaking pro­blema kung hindi pinamihasa at “bineybi” ng adminis­tras­yon ang mga warlords particular sa katimugang Pilipi­nas. Ngayong naging dambu­ha­lang halimaw sila, pati mga dapat humatol at magparusa sa kanila ay natatakot.

Show comments