NAAALALA ko pa noong kabataan ko sa Mindanao na matahimik ang buong isla. Bihirang makakita ng long arms noon at wala namang masyadong armed groups. Sa panahon na iyon, marami pa ang naniniwala na ang Mindanao ay isang “Land of Promise ”.
Ano ang nangyari at naging broken ang “promise” ng Mindanao ? Bakit dumami ang long arms at nangiba- baw na ang kultura ng pulbura sa Mindanao?
Kahit ano pa man ang nangyayari ngayon, ang Mindanao ay bahagi pa rin ng Pilipinas at ang dapat ang mangibabaw sa buong bayan kasama na ang Mindanao ay ang poder ng balota at hindi ang kultura ng pulbura.
Habang nangangamba tayo na baka magkaroon ng failure of election sa darating na election, nakita na natin ngayon sa Maguindanao na nagkaroon ng failure of governance. Maliban pa riyan, madalas na rin nagka-roon ng dayaan sa Mindanao na para na ring failure of election.
Tayo ang kabataan noon, tayo na ang mga magu- lang ngayon. Sinabi ni Jose Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan, ngunit ano ang haharapin ng ating mga kabataan kung pababayaan na lang natin na mangibabaw ang kultura ng pulbura hindi lamang sa Mindanao kundi sa buong bansa?
Sa totoo lang, hindi lang naman ang Mindanao ang dapat maging “Land of Promise”. Dapat ang buong Pilipinas ang maging “Land of Promise” ngunit huwag na-man sana puro promise lang ang mangyari sa atin.
Ang karamihan ng problema sa Mindanao ay economic in nature. Hangad ng lahat ng mga taga Mindanao kasama na ang mga kapatid na Muslim na magkaroon ng kaunlaran at kapayapaan sa buong isla. Kung magkaroon ng kaunlaran, susunod na rin ang kapayapaan.
Sa darating na election, dapat lumabas tayong lahat at ibigay ang boto natin sa mga kandidato na magbibigay sa atin ng tunay na kaunlaran at kapayapaan, at hindi ng mga pekeng pangako lamang. Ipaglaban natin ang poder ng balota upang madaig natin ang kultura ng pulbura.