KAMAKAILAN, inireklamo sa atin ng ilang naglilingkod sa Bureau of Customs ang demoralisasyon sa ahensya dahil sa pagkaka-promote bilang customs collector ng isang anila’y “hindi kuwalipikado.” Ang tinutukoy natin ay ang bagong talagang Customs Collector ng Port of Manila na si Rogel Gatchalian na marami umanong na-bypass na mas kuwalipikado.
Sabi ng mga taga-adwana, natuwa na raw sila dahil sa balitang binawi na ng Department of Finance ang appointment ni Gatchalian. Pero nagmamarakulyo pa rin sila dahil hangga ngayon ay naroroon pa rin at naka-upo sa katungkulan si Gatchalian.
“Wala yatang planong mag-alsabalutan si Gatchi” anila. Ni wala pa daw appointed na kapalit niya. Wala pa ring linaw kung saan siya ililipat.
Kaya napapakamot-ulo daw sa ganitong siste ang mga customs broker, importer, truckers, career employee at mga negosyante, porke tila sa diyaryo lang nangyari ang pag-withdraw sa appointment ni Gatchalian.
“Ano ba iyan, hanggang press release lang?” tanong ng mga customs men na atat nang mapatalsik sa puwesto si Gatchi.
Marami ang nagprotesta sa appointment ni Gatcha-lian bilang hepe ng POM. Nadaan umano sa palakasan ang mala-kidlat na promosyon niya. Hindi na raw iginalang ang selection process.
Wala pa raw tatlong taon si Gatchalian sa serbisyo (nag-umpisa siya noong 2007 lamang) at agad itong na-ging customs collector VI ng isa sa pinakamalaking pantalan pa. First in history daw ito na ang isang kawaning walang sapat na karanasan at paghahanda ay nahirang sa ganitong kataas at sensitibong puwesto.
Sey ng mga nagreklamo, hindi raw kwalipika- do sa posisyon si Gatchalian dahil hindi Career Executive Officer (CESO) na siyang hinihingi ng nasabing posisyon. Wala din daw itong ni katiting na karanasan sa assessment at customs operations.
Super-lakas daw ang padrino kaya daw ultimong si Customs Commissioner Napoleon Morales ay di makapalag.
Tsk, tsk…iyan ang isang sakit na dapat nang mabago sa ating lipunan: PALAKASAN.