SINO ang hindi nakakakilala kay Rolito Go. Siya yung businessman na bumaril at puma-tay kay Eldon Maguan dahil sa away sa trapiko noong 1991. Nagmistulang sinamba ni Go ang baril pero ang pagsamba niya sa “bakal na may tingga” ay masama ang ibinunga. Habambuhay ang parusa sa kanya dahil sa pagbaril kay Ma guan. Kung kailan siya lalaya ay walang nakaa-alam. Kung hindi siya sumamba sa baril, baka buhay pa si Eldon at siya (Go) ay tinatamasa ang sarap ng buhay sa labas ng rehas. Magsisi man si Go ay wala na ring mangyayari. Nangyari na ang pagsamba niya sa baril.
Isa pang sumamba sa baril si Claudio Teehankee Jr. anak ng dating Supreme Court chief justice. Binaril niya ang dalawang kabataan noong 1985. Nakulong siya nang matagal na panahon at pinardon ni President Arroyo.
Marami pang nilalang ang nagpailalim sa kapangyarihan ng baril. At kahit na nga marami nang insidente sa paggamit ng baril, marami pa rin ang gustong gumaya sa mga taong nagdurusa na sa kulungan. Hindi pa yata kinapulutan ng leksiyon ang mga nangyari at gusto pang sundan ang yapak ng mga sumamba sa baril.
Noong nakaraang linggo, tinutukan ng baril ang broadcaster na si Cheryl Cosim at kanyang pamil-ya. Isang nagngangalang Richard Ordoñez ang nanutok kina Cosim. Tumatakbo umano ang sasakyan nina Cosim sa Congressional Avenue sa Quezon City nang muntik na silang ma-sideswiped ng kotse ni Ordoñez. Nang makarating sa kanto ng Visayas Avenue, iniharang ni Ordoñez ang kanyang Nissan Cefiro sa sasakyan nina Cosim at bumaba, sabay bunot ng baril. Tinutukan sila at pinabababa sa sasakyan. Hindi bumaba sina Cosim. Pagkaraan ay saka mabilis na umalis si Ordoñez.
Kung may bumaba kina Cosim, baka may bu-hay na namang nalagas. Salamt at walang buma-ba. Naisampa na ang reklamo kay Ordoñez.
Maraming sumasamba sa baril at kabilang dito sina Go, Teehankee at Ordoñez. Nararapat lamang na makalasap ng parusa ang mga taong sumasamba at labis na nagpapaalipin sa baril.