PUBLIC service muna sa mga 20,000 residente ng Tondo na constituents ni Rep. Benjamin Asilo. Kaugnay ng pagdaraos ng Undas, aariba na naman ang “Libre Sakay” project ng Kongresista bukas na maghahatid sa mga Tondo residents sa North Cemetery mula 7 ng umaga hanggang 3 ng hapon. 45 jeepney at 17 multi-cabs ang itinalagang magserbisyo kaugnay nito.
* * *
MATAPOS ang malaking pagbaha sa Marikina, ang problema sa lungsod ay ang nangagtambak na basura sa mga lansangan gayundin ang mga narumihang mga tahanan. Maraming taga-Marikina ang nakapansin sa negosyanteng si Joey de Venecia na nangunguna sa isang massive clean-up drive.
Sabi niya: Relief centers distributing food and clothing are not enough. The housing needs of Ondoy’s victims have to be met too.”
Sabagay, Bagamat marami ang nagbalikatan sa pagbibigay ng pagkain at damit pati na gamot sa mga kababayan nating biktima, hindi dapat kaligtaan ang pangangailangang linisin ang mga tahanan. Ito’y bagay na hindi madaling gawin lalu pa’t iisipin ang malaking volume ng burak na pumasok sa mga bahay-bahay. Terible ang damage na idinulot ng malaking baha sa maraming tahanan. Kaya naglunsad ng clean-up drive ang batang de Venecia upang tulungan ang mga house owners sa paglilinis ng kanilang mga bahay.
Dala ni de Venecia ang mga payloaders, apat na dump trucks, at generator set, water tank, pressure washers at mga walis para simulan ang massive clean-up sa tulong ng mga tauhan.
Kung tutuusin, mabigat na trabaho ang clean-up at kung gobyerno lang ang aasahan, malabong magampanan ito. At tulad ng babala ng Department of Health, kung hindi maaagapan ang paglilinis, sari-saring sakit ang maaaring dumapo sa mga residente ng mga apektadong lugar tulad ng dengue, ani de Venecia.
Masyado nang vulnerable ang bansa sa mga bagyo at malamang (sana naman ay huwag na) maulit ang ganoong sitwasyon. Sabi nga ni de Venecia, kung hindi tutulong ang pribadong sector, malamang ay bumaho ang buong Metro Manila dahil sa mga basurang inaanod ng baha.
Imbes na batikusin ang kawalang kakayahan ng gobyerno sa pagtugon sa problema, magbalikatan na lang ang lahat. Sabi nga huwag hintayin ang magagawa ng pama halaan para sa iyo kundi ikaw na mismo ang umaksyon.
Tumulong din naman ng malaki ang Philippine Army sa operasyong simulan ni de Venecia. Eh di napagandang tingnan na ang mga pribadong mamamayan ay kabalikat pa ng militar sa mabuting gawain?