CONGRATS sa pangulo ng National Press Club of the Philippines Benny Antiporda sa pagkakahalal niya bilang regio-nal vice president ng Confederation of ASEAN Journalists (CAJ). Ang okasyon ay ang general assembly meeting ng CAJ sa Kuala Lumpur Malaysia na bumalangkas ng action plan para maresolba ang sari-saring problemang kinakaharap ng mga journalists hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Nakumbinsi ng delegasyong pinamumunuan ni Antiporda ang CAJ na ilakip ang “media killings” o pagpatay sa mga media practitioners sa Pilipinas at bigyan ng prayo-ridad sa “Kuala Lumpur Action Plan na ipatutupad sa susunod na dalawang taon.
Ginanap ang makasaysayang okasyon sa Nikko Hotel sa Kuala Lumpur, Malaysia mula Sept. 30 hang- gang Oktubre 4.
Kung tutuusin, hindi na sana dapat tumaas pa sa regional level ang panloob na problema ng bansa. Pero kabi-kabila ang pagtutumba sa mga practicing journalists ng mga taong kanilang nasasagasaan at binabatikos. Palibhasa, mas mura ang umupa ng killer kaysa magdemanda ng libel na bukod sa magastos ay uubusin pa ang oras mo sa pagdalo sa mga hearings.
Anyway, salamat at nasa atin na ngayon ang simpa-tiya at pakikipagtulungan ng mga katoto nating journalists mula sa ASEAN countries. Sana’y tumalab ang nagkakaisang panawagan sa gobyerno para seguruhin ang kaligtasan at seguridad ng mga mamamahayag sa radyo, telebisyon at diyaryo.
Ang CAJ ay isang no-nonsense action group ng mga mamamahayag mula sa mga bansang kasapi ng ASEAN na maituturing na malakas na puwersa na puwedeng ka lampagin ang mga pamahalaan para asikasuhin ang kaligtasan ng mga nasa media profession.
Bukod kay Antiporda, ang Philippine delegation ay binu buo nina NPC directors Joel Sy Egco, chairman of the Committee on Press Freedom; Marlon Purificacion at Roniel de Guzman; dating National Union of Journalist of the Philippines Chairman Joe Torres; at ng veteran journalist at columnist, Da nilo Mariano ng Manila Times.
Binigyang diin sa nabu—ong resolusyon ang pagsasagawa ng aksyon ng gobyerno upang masawata ang kabi-kabilang pagpatay sa mga mamamahayag.
Ang tema ng pagpupu- long ay general assembly “Growth of Media Freedom in Asean” at dinaluhan ng may 100 mamamahayag mula sa iba’t ibang bansang kasapi ng ASEAN.