NAPAKAGANDA ng mga paalaala na simula pa nang lalangin ng Diyos ang lalaki ay nilalang din ang babae na laman ng kanyang laman at buto ng kanyang buto upang sila ay maging magkasama at magkatulong habang buhay. Iiwan na ng lalaki ang kanyang ama at ina at sila ay magiging isa ng babae na kanyang asawa. Sila’y babasbasan ng Poon magpakailanman. May the Lord bless us all the days of our lives!
Kaya’t ang paghihiwalay ay wala sa plano ng Diyos. Maging si Hesus ang nagbigay sa atin ng katibayan ng pag-iisang dibdib: “Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.” Sa Lumang Tipan ay doon natin nalaman na pinahintulutan ni Moises ang paghihiwalay “dahil sa katigasan ng inyong ulo kaya niya inilagda ang utos na ito”. Kaya’t ang pag-aasawa ay hindi la-mang pagpaparaos ng init ng katawan kundi isang misyon upang ipalaganap ang kabanalan at kadakilaan ng babae at lalaki.
Ang pag-aasawa ay tunay at banal na pag-uugna- yan ng dalawang sexes. Sa lahat ng papeles na ating pinipirmahan ay ang una nating sinasagutan ay ang tanong na sex. At dadalawa doon ang ating pamimilian M (male) o F (female). Maging sa papeles ng kasal at ganun din ang ating sinasagutan. Kaya’t dadalawa lamang ang sexes na nilikha ng Diyos. Ang salitang sexual ay nangangahulugan na ano ba ang gawain ng babae at lalaki. Ang salitang latin na “inter” ang ibig sabihin ay with or among at ang salitang “cursus” ay layunin.
Ito ay katumbas ng mga mag-aaral sa kolehiyo na meron silang lahat ng course o layunin. Kaya’t pag nagtanong tayo sa mga mag-aaral: Anong course ang sagot nila ay gusto ko pong maging: Pari, doctor abogado, guro, inhenyero, dentista, nars, at marami pang iba. Kaya’t ang pag-uugnay ng lalaki at babae sa kasal ay meron silang layunin na katulong ng Diyos upang lumikha ng buhay ang bata.
Kaya’t ang pag-aasawa ay may Misyon at Kabanalan. San Francisco ng Asissi, ipanalangin mo kami.
Gn 2:18-24; Salmo 128; Heb 2:0-11 at Mk 10:2-12