SI Ate Glue ay walang clue kung ano ang nararapat gawin para matulungan ang mga mamamayan noong Sabado habang rumaragasa ang bagyong Ondoy. Ma-buti pa si Richard Gutierrez na nakaisip kumuha ng speedboat para ma-rescue si Cristine Reyes at pamilya na nasa bubong na noon ng kanilang binahang bahay. Mayroon ding isang judge na gumamit ng kanyang jet-ski at nag-rescue isa-isa nang humigit kumulang 30 katao bata at matanda, na nagmuntik-muntikan na sanang lamunin ng baha. Pero si Ate Glue, ang naturingang presidente ng bansa, bagama’t ito’y may malaking question mark pa dahil sa eskandalong “Hello Garci” ay ‘alang kaclue-clue kung ano ang gagawin. Sa halip na humatak nang maraming speedboat at jetski o mga motorized bangka para isa-isang tulungan ang mga nasalanta ng baha, siya, at kanyang mga alipores ay sumakay ng LRT. Ngek! Sabi ng mga apo ko na si Brandon at Kelsey.
Ayon sa banner story ng September 28 issue ng business daily na BusinessWorld, which quoted a certain Think-Tank, wala raw tayong maaasahan sa isang rehi-men na ang focus at expertise ay graft and corruption o pangungurakot sa halip na tunay na paglilingkod sa bayan at mamamayan. Ang BusinessWorld ay isang respeta- dong business broadsheet na pinangungunahan ni Raul Locsin bilang publisher at Vergel Santos bilang editor- in-chief. Ito’y hindi tabloid na anything goes. Kaya tila pati ang mga intelektwal ay kilalang-kilala na si Ate Glue at ang kanyang rehimen na ubod ng tiwali at inutil.
At saan naman itong naturingang First Gentleman kuno na si Mike Arroyo. Wala man lang tayong narinig na mga mensahe ng pakikiramay o di kaya donasyon ng mga luma niyang damit o briefs. Saan kayang lupalop ng daigdig nagpapakasa-rap ng buhay ang butiting mamang ito. Umuwi ka rito hoy at tumulong mag-repack ng mga donasyon sa mga biktima ni Ondoy. Kung hindi n’yo pa nararamdaman, may bulkan na nagbabadyang pumutok. At sa halip na apoy ng bulkan ang sasabog sa mga mukha n’yo, tubig at putik na dulot ni Ondoy at galit ng sambayanang Pilipino ang tatama sa mga pangangatawan n’yo. Isang brotherly advise from Amba... jet plane ang sakyan n’yo habang kayo ay umies-kapo, hindi LRT.