ANG aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, ay pinasalamatan ng mga OFW na tinulungan niya sa problema ng mga ito sa employer sa Kuwait na nagmaltrato at hindi nagpasuweldo sa kanila.
Sila ay na-repatriate sa Pilipinas at 14 sa kanila ay bumista kay Jinggoy sa Senado at ikinuwento ang pang-aapi ng kanilang employer na Medco cement and asphalt company sa planta nito sa Kabd desert kung saan sila nagtrabaho bilang machine operators at truck drivers.
Pinatira umano sila ng Medco sa mga container van na walang elektrisidad at tubig kaya tiniis nila ang matinding init sa disyerto. Hindi rin sila pinasuweldo mula noong Mayo kaya napilitan silang manghuli ng bayawak sa disyerto upang may makain. Dahil hindi nakapagpapadala ng panggastos sa pamilya, nahinto sa pag-aaral ang kanilang anak.
Nang nalaman ni Jinggoy ang problema ay nanawagan siya ng tulong mula sa mga kinauukulang opisyal ng pamahalaan. Iminungkahi rin niya na i-blacklist ang Medco at inatasan ang recruiters na Non-Stop Overseas Employment Agency Corp., SMA International, at Achie-vers Landbase Agency na i-repatriate sila.
Dahil sa pressure ay binayaran ng Medco ang back wages ng mga OFW at nag-provide ang Non-Stop Overseas Employment Agency ng plane tickets sa ilan sa kanila. Ang dalawa pang agencies ay hindi tumulong. Noong Septyembre 5 ay nakauwi sila sa Pilipinas.
Pinapurihan ni Jinggoy sa pagkaresolba ng pro-blema sina Ambassador Ricardo Endaya, Labor Attache Josephus Jimenez, Welfare Officer Yolanda Peña randa at Dr. Chie Umandap, Naghain siya ng resolusyon upang imbestigahan ang isyu.
Sa mga gustong lumiham kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, ipadala ito sa kanyang tanggapan sa Room 602, Senate of the Philippines, GSIS Bldg., CCP Complex, Pasay City.