INILIBING na yesterday si Ka Erdie matapos itong kunin ni Lord.
Nakikiramay ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa pagpanaw ni Ka Erdie!
In demand lubugan ng barko
MUKHANG hindi maganda ang pangitain sa sunod-sunod na trahedya regarding sa paglubog ng mga barko.
Siguro dapat higpitan ng Maritime at ng Department of Trasportation and Communication ang kanilang rules and regulations sa paglayag ng mga barko lalo’t hindi maganda ang panahon ngayon sa Philippines my Philippines.
Sa mga natigok sa paglubog ng barkong kanilang sinakyan nakikiramay ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa kanilang pagpanaw.
Sana matuto na ang gobierno sa pagbibigay ng clearance sa mga barkong naglalayag sa karagatan para naman masugpo ang trahedya sa karagatan.
Sabi nga, political will!
Buhay ang importante hindi ang perang kikitain ng mga negosiante sa kanilang negosyo.
Abangan.
Tricycle ipagbawal sa national hi-way
DAPAT sigurong pag-isipan ng mga bright sa gobierno ang pagbabawal sa mga tricycle na nagkalat ngayon na parang kabute sa national hi-way.
Bakit?
Huwag ng antayin pa ang may maaksidente sa mga sakay nito.
Abusado kasi ang ilang mga tricycle driver lalo na dyan sa may lugar ng Legarda kanto ng Figueras St., Sampaloc, Manila, dahil ang akala ng mga ito sila ang may-ari ng lansangan.
Sabi nga, nakabalagbag kung pumarada.
Ang mga driver ng tricycle ay walang pakialam sa mga motoristang naabala nila sa kanilang kalokohan oras na naghagilap sila ng pasahero.
Sila ang dahilan kung bakit grabe as in grabe ang traffic dyan sa nasabing lugar lalo’t rush hour.
Sila pa ang galit kapag nakabangga sila ng mga pri badong sasakyan dumadaan sa nabanggit na lugar.
Ika nga, parang may pambayad.
Kung ang mga kuwago ng ORA MISMO, ang tatanungin siguro ang mga burongoy kawatan ang dapat magbawal sa kanila.
May lagay kaya sila sa mga burongoy kawatan?
Nakausap ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Manila Mayor Fred Lim sa isang otel sa Manila at inireklamo sa kanya ito.
Binigyan naman ng instruction ni Fred ang kanyang Chief of Staff para linisin sa tricycle ang nasabing lugar pero up to now walang nangyari.
Abangan.
Airport nalinis sa mga kawatan
WALANG humpay ang mga tauhan ng Airport Police sa pagpapatrula dyan sa NAIA para linisin sa mga gago ang nasabing paliparan.
Dahil sa walang tigil na pag-iikot at pama matyag ng mga airport police sa mga gago sa airport tumigil na ang mga kamote sa kanilang kawalanghiyaan.
Kaya nagpapasalamat ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa pamunuan ng Manila International Airport Authority.