INIIMBITAHAN namin kayong dumalaw sa isang kakaibang medical museum sa Pilipinas. Para sa mga nars, doktor, dentista at health workers, ito na ang pagkaka-taon ninyong malaman ang kasaysayan ng kalusugan (health sector) sa Pilipinas.
Alamin kung paano nagsimula ang gamutan sa Pilipinas, mula noong panahon ng mga Kastila, Amerikano, Hapones at sa kasalukuyan.
Ayon kay Julie Ong-Alonzo, chairperson ng medical museum, ang layunin nito ay para magbigay inspirasyon sa mga nars, doktor, dentista at health-related profession sa Pilipinas. Isang layunin din ng medical museum ay ang pangalagaan ang memorya ng magagaling na-ting health workers.
Sundin po natin ang payo ni Dr. Jose Rizal na nagsabing, “Kung sino ang hindi marunong tumingin sa pinanggalingan ay hindi makararating sa pinaroroonan.” Ito ang dahilan kung bakit dapat alamin ng lahat ng estudyante ang kasaysayan ng kalusugan sa Pilipinas.
Bakit magandang dumalaw sa medical museum?
1. May 11 taon nilikom ang kagamitan sa Co Tec Tai Medical Museum. Nanggaling pa ito sa America, Spain at Japan.
2. May 3,000 kakaibang litrato, aparato at memorabilia tungkol sa medical at nursing profession ang matutunghayan ninyo.
3. Walang entrance fee. Dahil ang layunin ng medical museum ay makatulong sa ating bansa, libre ito para sa publiko.
4. Para sa malalaking grupo (mga 40 estudyante pataas), may libreng special lecture si Mr. Wilson Ong, Jr., MBA, ang director at lecturer ng Co Tec Tai Medical Museum. Magaling na speaker si Mr. Wilson at laging iniimbitahan ng UP College of Medicine at DLSU College of Medicine.
5. May halos 15,000 estudyante na ang dumalaw sa Co Tec Tai Medical Museum. Sa aking palagay, nagiging mas matalino at mas malawak ang isipan ng estudyante kapag nakadalaw sa medical museum. Siguradong marami ka-yong matututunan dito.
Paano dadalaw sa
museum?
Matatagpuan ang CoTec Tai Medical Museum sa 2643 Taft Avenue Pa- say City (sa pagitan ng EDSA Rotonda at Libertad Street station ng MRT. Bukas ang museum Lunes hanggang Biyernes mula 9 a.m. - 5 p.m.
Para sa mga grupo ng estudyante na gustong dumalaw, mag-appointment lamang sa 831-8904 o 833-8292.
Puwede ding mag-email sa info@sonlie.com
Sa mga titser at estudyante, dumalaw na sa medical museum habang li-bre pa!