ANG aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang consistent na top choice for senator. Ito ay base sa resulta ng survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Hulyo 28 hanggang Agosto 10, kung saan ay nakakuha siya ng pinakama-taas na 50.2 porsyentong boto.
Ang patuloy na pinakamataas na tiwalang ibinigay ng mga survey respondent kay Jinggoy ay ibinatay uma no nila sa kanyang de-kalidad na performance bilang mambabatas, opisyal ng senado at bilang chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment.
Base sa mga detalye ng iba’t ibang mga survey, la-ging sinasabi ng mga respondent na hanga sila sa pangunguna ni Jinggoy sa attendance sa mga sesyon at pagdinig ng senado, gayundin sa kanyang paghahain ng pinakamaraming mahalagang panukalang batas at resolusyon at tuluyang pagsasabatas ng malaking bi- lang ng mga ito.
Natutuwa rin sila sa matalas at sistematikong pag-iimbestiga ni Jinggoy sa mga iskandalo at katiwalian sa pamahalaan at sa kanyang mga lehislasyon at direktang pagtulong sa mga manggagawa laluna sa mga OFW.
Sa mga nagtatanong naman kung plano ba niyang tumakbo sa pagka-bise presidente ay mapagkumba- bang inamin ni Jinggoy na malaking pakikipagsapala- ran para sa kanya ang vice presidential race kumpara kung muli siyang magsesenador.
Nilinaw din niya na imposible namang tumakbo siyang “running mate” ni Presidente Erap, na patuloy ding na- mamayagpag sa mga survey naman ng “presidentiables”.
Si Jinggoy, si Presidente Erap at ang buong pamil-yang Estrada ay lubos na nagpapasalamat sa sambayanang Pilipino sa patuloy na pagtitiwala at suportang ito.
Sa mga gustong lumiham kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, ipadala ito sa kan yang tanggapan sa Room 602, Senate of the Philip-pines, GSIS Bldg., CCP Complex, Pasay City.