BANTAY-SARADONG tinututukan ng BITAG ngayon ang tinatawag na Megan’s Law ng Northern, California.
Ito ‘yung batas na nagpaparusa at tumutugis sa mga sex offender partikular sa siyudad ng Vallejo City, California.
Sa mahigit 300 sex offender sa Vallejo City, 30 porsiyento nito ay mga Pilipino o Filipino-American sex offender.
At ilan sa mga ito, napa-deport na ng United States dito sa Pilipinas. At marami ang hindi nakakaalam sa atin, maging ang ating pamahalaan, mangmang kung sinu-sino ang mga ito.
Matapos mapatalsik sa Vallejo City California dahil sa pagiging sex offender o lumabag sa Megan’s Law, nandito na sila ngayon sa ating bansa at maaaring ilan sa kanila, kahalubilo na natin ngayon.
Eto naman ngayon ang tinutunton ng BITAG upang mukhaan ang mga sex offender mula sa California.
May naglalaro sa isipan ng BITAG na hindi impos-ibleng dito naman sila sa ating bansa magkalat ng lagim at makapambiktima ng kanilang kahalayan at kamanyakan.
Matalim ang pangil ng Megan’s Law dahil habambu-hay na nakatatak sa rehistro ng isang sex offender ang kaniyang paglabag at habang siya’y nabubuhay, kinakailangan niyang magparehistro taun-taon.
Paraan ito ng Vallejo Police Department na imonitor ang mga sex offenders upang hindi na maulit ang kani-lang paglabag o kasalanan.
Itatampok sa aming programa ang buong storya at impormasyon ukol sa Megan’s Law na siyang pinagkaabalahan ng BITAG nitong nagdaang linggo sa California.
Ito ay para sa isang special episode ng BITAG para sa nalalapit naming ika-pitong anibersaryo sa larangan ng investigative T.V.